LIAN POLICE CHIEF PATAY SA AKSIDENTE

📷 Batangas PPO

Roselle Aquino

Patay ang hepe ng pulisya sa bayan ng Lian sa Batangas matapos maaksidente kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Major Amiel Bernardo Sanhi Jr.

Ayon sa report, minamaneho ni Sanhi ang kanyang Isuzu MUX na may plakang AVA 7245 sa Brgy. Tulo patungong Batangas City nang makabanggaan ang isang Fuso 10-wheeler truck na may plakang ABK 1711 at minamaneho ni Salvador Segfred.

Nagtamo ang biktima ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Isinugod pa si Sanhi sa Batangas Provincial Hospital sa Lemery, ngunit idineklarang dead on arrival ni Dr. Ramon Sixto Castillo.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang pamahalaang bayan ng Lian sa pamilya at mga kaibigan na naiwan ni Sanhi.

“Nakakabigla at nakakalungkot ang mga pangyayari. Si Hepe Sanhi ay isa sa pinaka masipag at maaasahan na leader na handang tumugon sa pangangailangan ng kanyang mga kababayan. Isang pagsaludo sa iyo Hepe Sanhi at sa legasiya na iyong iniwan hindi lamang bilang isang lingkod bayan kungdi bilang isang tao na mabait at magaling makisama,” ayon sa kanilang Facebook post.