SALPUKAN NG 2  MOTORSIKLO, 1 PATAY 1 SUGATAN

Ylou Dagos

Isa ang patay at isa ang sugatan matapos na magkasalpukan ang dalawang motorsiklo sa New Diversion Road, Brgy. Bayanan, San Pascual, Batangas  Martes ng umaga.

Dead on the spot ang rider na si  Rogelio Mendoza, 53, dahil sa mga tinamong grabeng  pinsala sa ulo at katawan.

Sugatan naman ang nakabanggan nitong rider na si Jayvee Del Mundo, 18 anyos, isang estudyante.

Batay sa report, bandang alas 9:00 ng umaga, tinatahak ng nasawi ang diversion road at  papasok na sa municipal road nang pagsapit sa intersection ay masalpok ito ng motorsiklo ni Del Mundo.

Kapwa tumilapon ang dalawang driver sa sementadong kalsada na agad ikinasawi ni Mendoza.

Isinugod naman sa  St. Pascal De Baylon Hospital sa bayan ng San Pascual ang sugatan ding si Del Mundo na ngayon ay ginagaamot pa rin dahil sa mga grabeng sugat.

Ayon sa mga nakasaksi, parehas na mabilis ang takbo ng dalawa kaya hindi na nakaiwas sa bawat isa.