LOLO PATAY SA LUNOD SA FAMILY  OUTING

Ylou Dagos

Nasawi ang isang lolo  nang ito ay malunod habang nag-a-outing sa Jomalig,  Quezon  Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Antonio Andres , 69 anyos, residente ng Brgy  Bukal, sa nasabing bayan.

Batay sa report ng Jomalig police, kasama ng biktima ang kanyang mga kapamilya at nagpi-picnic sa Lakeside  Resort nang mapansin na nawawala ito dakong alas 3:00 ng hapon.

Nang hanapin, nakita na nakalubog ito sa tubig at walang malay hindi kalayuan sa dalampasigan.

Agad itong isinugod sa Rural Healt Unit  sa nasabing bayan subalit idineklara na itong dead on arrival ng doktor.