COMELEC VOTER’S REGISTRATION SA LUCENA CITY, DINAGSA

Ylou Dagos

Madaling araw pa lamang ay dagsa na ang mga kabatan na magpaparehistro para sa darating na Barangay at SK Election sa December sa isang mall sa Lucena City.

Ito ay matapos maglagay ng mga satellite registration office ang COMELEC sa mga malls dahil sa patuloy na pagdami ng mga gustong magparehistro.

Makikita na bagama’t madilim pa at sarado pa ang Pacific Mall sa Lucena City ay pila sa na parking lot nito ang mga botanteng karamihan ay mga kabataan.

Ayon kay John Michael Rodriguez , isa sa mga pumila, sa kagustuhan niya na makalahok sa darating na halalan ay nagsasakripisyo na siyang gumising ng maaga at makipagsiksikan sa pila.

Alas 4:00 pa ng madaling araw nang magtungo siya sa mall subalit marami na anya ang kanyang nadatnan doon.

Nagbubukas pa ang satellite office ng COMELEC ng alas 8:00 ng umaga.

Bukod sa mall, dagsa rin sa main office ng COMELEC Lucena ang mga nagpaparehistro kungsaan limitado lamang sa 300 ang naiitala ng mga ito sa isang araw.