2.6 MILYONG  HALAGA NG  SHABU NASABAT SA RIZAL BUYBUST

Marlon Luistro

Aabot sa P2.6 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Rizal PNP at PDEA Calabarzon sa isinagawang  buybust operation sa may Aragon Compound, Barangay Darangan, Binangonan, Rizal kaninang alas-1:45 ng madaling  araw.

Huli sa aktong nagbebenta ng iligal na droga ang suspek at high value target ng operasyon na si Edmar Rex alyas Bok.

Nasabat mula sa  suspek ang apat na piraso ng nakabuhol na plastic bag na may pakete ng mahigit kumulang 397 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalagang P2.6 milyon. Nabawi rin mula sa suspek ang itim na belt bag, P1000 buybust money at P2000 cash.

Wala pang pahayag ang suspek na nakakulong na at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.