LALAKING NAKAGAPOS NATAGPUANG PATAY SA SAN PASCUAL BATANGAS

Ylou Dagos

Bangkay na nang matagpuan ang  isang  di pa nakikilalang lalaki na natagpuan sa may tabing-kalsada sa Barangay Banaba, San Pascual, Batangas noong Huwebes  ng  umaga.

Walang suot pang-itaas, naka peach na short, nakagapos ang kamay ng  charger cord at takip ang mukha ng pulang tshirt nang matagpuan ang  bangkay ng lalaki bandang alas-8:05 ng umaga.

Lumabas sa autopsy na binaril sa ulo at leeg ang biktima na siyang ikinasawi nito.

Ayon sa pulisya, posibleng pinatay muna sa ibang lugar bago tinapon ang bangkay ng biktima noong Huwebes ng madaling araw lalo’t hindi naman ito namataan ng napadaang patrol team ng San Pascual Police isang gabi bago ito natagpuan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang  pagkakakilanlan ng biktima at ng tumakas na suspek at ang motibo sa krimen.