10 BAHAY WINASAK NG BUHAWI SA QUEZON

📷 Henry Martinez

Ylou Dagos

Nasira ang sampung bahay matapos tamaan ng buhawi ang bahagi ng tabing dagat ng Sitio Scuba at Sitio Pantay ng Barangay Abuyon, San Narciso, Quezon Lunes ng hapon.

Nakuhanan pa ng video ng isang residente ang pananalasa ng buhawi na nagwasak ng mga pananim at mga kabahayan.

📷 Henry Martinez

Ayon sa mga residente pasado alas 5:00 ng hapon nang magdilim ang kalangitan na inakala nilang nagbabadyang pag-ulan lamang. Subalit mula sa karagatan, napansin ng mga residente ang umiikot na tubig hanggang sa lumakas ang hangin.

Sa video makikitang nagtakbuhan na ang mga residenteng papasok sa kanilang bahay upang magsipagtago.
Sinabayan pa ng malakas na ulan ang hangin at agad nawasak ang ilang kabahayan.

📷 Henry Martinez

Tumagal ng halos 12 minuto ang pananalasa ng buhawi sa Barangay Scuba.

Matapos ang pananalasa sa Barangay Scuba ay tumahak sa kapatagan ang buhawi at tumuloy sa Barangay Pantay kung saan mga puno ng saging naman ang binuwal.

Martes ng umaga ay agad nagsagawa ng Rapid damage assessment ang MDRRM at LGU ng San Narciso at ayon kay Engr. Rafael Carabido, head ng Emergency Response team, umaabot sa P200,000 libong iso ang naging pinsala sa 10 kabahayan.

📷 Henry Martinez

Agad namang binigyan ng LGU ng mga pampalit na bubong ang ma nasirang kabahayan kungsaan isa ang nabagsakan ng puno at 9 ang nilipad ang mga bubong.

Wala ding nailulat na nasaktan sa insidente.

Wala ding inilikas sa mga evacuation center dahil pagkaraan ng buhawi ay pansamantalang binubungan ng tolda ang kanilang mga tirahan at doon na rin nagpalipas ng magdamag.