BINATANG RIDER PATAY SA KURBADA

Ylou Dagos

Dead on the spot ang isang 23-anyos na binata nang ang minamaneho nitong  motorsiklo ay bumangga sa bakal na poste sa gilid ng national highway sa Nasugbu, Batangas Huwebes ng umaga.

Ayon sa report ng pulisya, galing sa Tagaytay City ang biktimang si Marlon Gonzaga  at pauwi na sa kanilang tirahan sa Barangay Biga, Calatagan, Batangas  nang habang tinatahak nito ang pababa at kurbadang bahagi ng  Tagaytay-Nasugbu highway sakop ng Sitio Pasong Kawayan, Barangay Banilad ay mawalan ito ng kontrol sa manibela.

Sumasad ito sa bangketa at sumalpok sa bakal na poste ng street lights.

Sa lakas ng pagkasalpok nagtamo ito ng grabeng pinsala sa ulo na agad nitong ikinamatay.