
Allan Llaneta
Inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang nirepasong pondong gagamitin sa panahon ng panunungkulan ni Quezon Governor Helen Tan.
Ang pagpasa ng panibagong Annual Budget sa taong ito na may pondong nagkakahalagang P5,504,410,682.40 ay isinagawa sa special na sesyon noong Miyerkules.
Nag-ugat ang pagpapasa ng panibagong budget dahil sa kahilingan ni Governor Tan sa mga taga – SP Quezon na bilisan ang pagpasa ng nasabing pondo.
Ang pondo ay gagamitin ng probinsya sa programang nakapaloob sa Health, Education, Agriculture, Livelihood, Infrastructure, Nature at Good Governance ng kasalukuyang administrasyon.
Matatandaang noong December 2021 ang apat na bokal ng Sangguniang Panlalawigan ay nagpasa ng Annual Budget para sa taong 2022 habang ang walong bokal ay nasa ilalim ng animnapung araw na preventive suspension.
Noong nakaraang Miyerkules ay nagpasa ang mga bagong bokal ng isang ordinansa na nagpapawalang bisa sa ipinasa noon ng apat na bokal na may Series number 01 – 2022 kaugnay sa dati na ring General Fund, Economic Enterprises at Supplemental Budget No. 1, na aprubado na uli ngayon.