COMMERCIAL FISHING BOAT HULI SA ILEGAL NA PANGINGISDA

Ylou Dagos

Nahuli ng mga awtoridad ang isang commercial fishing boat sa municipal water ng  Catanauan, Quezon Biyernes ng madaling araw.

Ayon kay Danilo Larita Jr., Fishery Law Enforcement Officer, ang nahuling commercial fishing boat ay  resulta ng aktibong pagrereport ng mga konsernadong mamamayan sa lugar.

Habang nagsasagawa umano sila ng seaborne patrol operation, agad nilang namataan at nahuli ang FBca PAR-3 na gumagamit ng driftgill net na ipinagbabawal o lumalabag sa violation ng Section 86, 89, 113 at 121 ng RA 8550 na na-amyendahan ng RA 10654.

Naaresto  sina Cristina J. Par, may ari ng bangka, at si  Arvin Batugon, kapitan ng bangka na kapwa residente sa nasabing bayan.

Sa kasalukuyan ay nirerecover pa ang mga lambat na naaktuhan nilang nakalatag pa sa dagat, pagkatapos nitong marecover agad din itong dadalhin at ang commercial  fishing boat na ginamit sa BFAR Mariculture sa Padre Burgos Quezon.