DRUG DEN BINUWAG SA BATANGAS CITY; 3 ARESTADO

📷 PDEA Calabarzon

Marlon Luistro

Isang drug den ang  binuwag ng mga operatiba sa Barangay Sta. Clara, Batangas City noong Biyernes ng gabi.

Arestado sa operasyon ang suspek at itinurong  nagpapalakad ng  drug den na si Romeo Sarmiento pati na ang mga suspek na sila Remedios Oblea at Rhodney Ducus.

Pasado alas-6:30 ng gabi nang magsagawa ng  buy  bust operation ang  pinagsanib na puwersa ng PDEA Batangas, PDEA Seaport  Interdiction Unit Batangas at Batangas City Police Station ang  nasabing drug den batay na rin sa tip ng impormante.

Nakuha mula sa nasabing operasyon ang mahigit kumulang 15 gramo ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P103,500, buybust money at mga drug paraphernalia.

Sasampahan ng kasong  paglabag sa Article 2 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang inarestong mga suspek.