GINANG BINARIL SA TERRACE NG KANILANG BAHAY SA BATANGAS

📷 BPPO

Ylou Dagos

Nasawi habang nilalapatan ng lunas  sa ospital ang isang ginang matapos na ito ay barilin ng hindi nakilalang salarin sa terrace mismo ng kanilang bahay sa Lian, Batangas Linggo ng hatinggabi.

Kinilala ang biktima na si Geralyne Mendoza, 38 anyos, residente ng Sitio Labak Barangay San Diego.

Batay sa report ng pulisya, nakahiga   ang biktima at naglalaro sa cellphone,  katabi ang kanyang live-in partner at anak na babae nang makarinig ng mga putok mula sa labas ng terrace.

Matapos ang sunod-sunod na putok, nakita na lamang ng live-in partner nito na si na Jonell Ocena na duguan ang biktima.

Agad itong isinugod sa Apacible Memorial District Hospital  sa bayan ng Nasugbu subalit binawian din ito ng buhay.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pangyayari at inaalam ang motibo sa pamamaril at kung sino ang mga suspek.