JEEP NAHULOG  SA KANAL SA  QUEZON, 14 SUGATAN

📷 Buenavista Police

Ylou Dagos

Quezon-Sugatan ang 14 na katao nang ang sinasakyan ng mga itong pampasaherong jeep ay mawalan ng preno at tumagilid  sa kanal sa Buenavista, Quezon Miryerkules ng umaga.

Ayon sa Buenavista police, papalusong ang jeep sa matarik na bahagi ng highway nang mawalan ito ng preno at bumulusok pababa   nang magpalit ng gear ang driver.

📷 Buenavista Police

Tuluyang nawalan ng kontrol ang naggmamaneho at nahulog sa kanal ang jeep kung saan ito tumagilid.

Nasugatan ang lahat na 13 pasahero nito kabilang ang limang bata at maging ang driver ng jeep na si Leonito Manalo.

Kabilang sa mga sakay ay mag-asawang taga Tondo, Manila at ang kanilang dalawang menor de edad na anak.

Isinugod ang mga sugatan sa Rural in Health Unit at nilapatan ng lunas.