MAG-AMA TINAMAAN NG KIDLAT HABANG NASA LOOB NG KANILANG BAHAY

Ylou Dagos

Patay ang mag-ama nang ang mga ito ay tamaan ng kidlat habang kumakain ng hapunan sa loob ng kanilang bahay sa Catanauan, Quezon Huwebes ng gabi.

Kinilala ng Catanauan police ang mga biktima  na si Jomar Funtilar, 37 anyos at 9 na taong gulang na anak nito na si Jona.

Ayon sa report, dakong alas 7:00 ng gabi, nang tumama ang kidlat sa dingding ng kusina at haligi ng kanilang kubo sa Barangay Tagbacan, Ilaya habang umuulan sa lugar.

Nagkataon naman na nasa likod ng tinamaang bahagi ng bahay ang mag-ama.

Nagtamo ang mga ito ng mga paso at sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan na agad nilang ikinasawi.

Nanawagan naman ng tulong pinansyal ang pamilya ng mga biktima  para sa burol at pagpapalibing sa mga ito.