MAG-UTOL, TIMBOG SA BUY BUST OPERATION SA LUCENA CITY

📷 Lucena PNP

Allan Llaneta

Hindi na nakapalag pa sa mga awtoridad ang magkapatid na pinaghihinalaang drug pusher matapos masakote ang mga ito Lunes ng umaga sa Brgy 4 sa Lucena City.

Kinila ni Lucena City Police Chief LTCol Reynaldo Reyes ang mga suspek na sina Mark Angelo Merjudio 35 at David Emmanuel Merjudio 32 anyos kapwa residente sa lugar.

Ayon sa pulisya, pasado alas 7:00 ng umaga ng isagawa ang drug buy bust operation kung saan nagpanggap na bibili ng shabu ang isa sa mga operatiba.

Nakuha sa magkaptid na suspek ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia at 500 peso bill na ginamit na mark money.

Kasalukuyang nasa Lucena City lock up jail na ang mga suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa mga ito.