MANGINGISDA NANGISAY SA KORYENTE SA FISH POND

Ylou Dagos

Patay ang isang mangingisda matapos makuryente habang nag-aayos ng  linya ng ilaw nang   malubog ang katawan sa tubig sa Lucena City nitong Martes ng gabi.

Kinilala ng Lucena police ang nasawi na si Robert Ortega, 30 anyos, residente ng Barangay Dalahican.

Batay sa report ng pulisya, bandang alas 10:00 ng gabi, nang bigla na lamang itong mangisay habang  inaayos   ang kable ng ilaw sa isang fish pond.

Ayon sa pulisya, na ground  ito dahil nasa tubig at basa ang ibabang bahagi ng katawan habang nakahawak sa live wire.

Agad nasawi ang biktima na hindi na nakaalis sa tubig kung saan siya natagpuan.