MILITAR AT NPA, MULING NAGKASAGUPA SA LOBO

📷 59th IB PA

Marlon Luistro

Lobo, Batangas  – Muling nagkasagupa ang 59th Infantry Battalion (IB) Philippine Army at ang rebeldeng  New Peoples’ Army sa Barangay Malalim na Sanog nitong Huwebes ng umaga.

Sa ulat ng Lobo police station, nangyari ang  bakbakan ng magkabilang tropa bandang alas-10 ng umaga at tumagal ng tatlong minuto habang ang mga tumatakbong rebelde ay umatras patungo sa direksyong timog.

Wala namang naiulat na namatay o nasaktan sa panig ng militar habang hindi pa alam kung may casualties sa panig ng mga rebelde.

Sa report ng 59th IB Philippine Army ay may nabawi silang caliber 45 pistol sa  lugar.