TEACHER NAKURYENTE SA EXTENSION WIRE  NA INILAGAY SA BANYO

Ylou Dagos

Nasawi ang isang 22-anyos na dalagang guro nang ito ay makuryente dahil sa extension wire na dinala nito sa banyo habang naliligo  sa kanilang bahay sa Barangay San Isidro, Atimonan, Quezon Biyernes ng hapon.

Wala ng buhay nang dumating sa ospital ang biktima dahil sa mga tinamong paso sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa report ng Atimonan police, dakong alas 3:00 ng hapon, katatapos lamang maligo ng biktima at nasa loob pa ng banyo nang bunutin nito ang pagkakasaksak ng kable ng ilaw sa extension. Nakita na lamang ng nakababatang kapatid nito na  bumagsak ang biktima.

Agad humingi ng saklolo ang kapatid at itinakbo ito sa ospital subalit binawian na ito ng buhay dahil sa mga tinamong 3rd degree burns.