5 SUGATAN SA BUMALIGTAD NA KOTSE SA TAGKAWAYAN, QUEZON

📷 Tagkawayan PNP

Ylou Dagos

Sugatan ang limang sakay ng isang kotse matapos na ito ay bumaligtad dahil sa madulas na daan sa Quirino Highway, Barangay San Diego, Tagkawayan, Quezon Sabado ng gabi.

Ayon sa report ng Tagkawayan police, mag aalas 8:00 ng gabi, patungong Camalig, Albay ang kotse nang pagsapit nito sa kurbada ay nawalan ng kontrol sa manibela ang nagmamaneho  na si Miles Pardalis, 39.

Nahulog sa kanal ang kotse at doon tumihaya.

Wasak ang unahan at bubong nito na nagdulot ng pinsala sa mga sakay kabilang ang driver.

Kinilala ang mga pasaherong sugatan na sina Jocelyn Losabia, 50; Jonna Navarro , 23, Annie Atiquera , 23 at isang menor de edad, pawang taga Albay.

Isinugod ang mga ito sa Maria L Eleazar General Hospital  sa bayan ng Tagkawayan.

Ayon sa mga imbestigador, madulas na kalsada dulot ng pag-uulan ang dahilan ng aksidente.