DELIVERY RIDER, PATAY MATAPOS SUMEMPLANG SA GINAGAWANG KALSADA SA BATANGAS CITY

Marlon Luistro

Dead on arrival na sa  Batangas  Medical Center ang 41-anyos na delivery rider ng  Food panda matapos na sumemplang  sa ginagawang kalsada sa may Governor Carpio Road, Barangay San Jose Sico, Batangas  City ala-1:30 Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing si Christian De Guzman.

Sa  inisyal na imbestigasyon ng  Batangas City Police, tinatahak lamang ng rider ang nasabing kalsada lulan ng minamanehong Honda Beat Motorcycle (Plate No. 858-UJV) at papunta sa Taysan, Batangas.

Pero di niya napansin ang nakalagay na warning device para sa road reblocking kayat dumausdos ang  rider at nahulog sa malalim na bahagi ng reblocking.

Nagtamo siyang malalang injuries sa  katawan na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.