P61K NG MARIJUANA, NASAMSAM SA ISANG BINATA AT SA ISANG MENOR DE EDAD

Ylou Dagos

Arestado ang isang 26-anyos na binata at ang isang menor de edad matapos makumpiska sa mga ito ang mga pakete ng marijuana sa buy-bust operation sa Calamba City noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang naaresto na si Joemari Atienza.

Ayon sa report ng Calamba City police, inaresto ang dalawa matapos makabili ang pulis na nagkunwaring buyer ng ilang sachet ng marijuana sa naging operation sa Barangay Paciano dakong aalas 7:30 ng gabi.

Nakumpiska sa dalawa ang kabuuang 6 na pakete ng pinatuyong marijuana na may timbang na 510 grams at tinatayang nagkakahalaga ng P61,200.00.

Sasampahan ang dalawa ng kasong paglabag sa R.A 9165 o the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.