PULIS, PATAY MATAPOS PAGBABARILIN NG RIDING-IN-TANDEM SA SAN JUAN, BATANGAS

📷 San Juan PNP

Marlon Luistro

Dead on arrival na sa ospital ang isang pulis  makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Calicanto, San Juan, Batangas kaninang alas-3:10 ng hapon.

Nasawi sa pamamaril ang biktimang kinilalang si Police Executive Master Sergeant Romel Panopio na nakaduty sa Batangas Provincial Police Office.

Sa inisyal na imbestigasyon, papunta sana sa provincial headquarters sa Batangas City ang biktima lulan ng minamanehong Kia Bonggo (Plate No. 462) nang pagbabarilin ito ng magkaangkas sa motor na mga suspek.

Dinala pa sa San Juan District Hospital pero idineklara nang dead on arrival ng  doktor.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng tumakas na mga suspek at sa motibo sa krimen.