DATING AHENTE NG ONLINE SABONG, DINUKOT NG MGA LALAKI SA BATANGAS

Ylou Dagos

Nawawala ang isang lalaking dating ahente ng online sabong matapos na ito ay dukutin umano ng mga hindi nakilalang kalalakihan sa Sto. Tomas City, Batangas Linggo ng umaga.

Ayon sa report ng Sto Tomas City police, nakaupo sa driver seat ng kanyang kotse ang biktimang si Cesar Cadampog at hinihintay ang kanyang ina sa harap ng grocery  sa Brgy. San Felix nang dumating ang mga suspek na sakay ng kulay puting  HiAce van.

Sapilitang inilabas ng mga ito ang biktima sa kotse at isinakay sa kanilang sasakyan at saka tumakbo patungo sa direksyon ng Alaminos, Laguna.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa pagdukot sa biktima.