IBINUBUGANG SULFUR DIOXIDE NG BULKANG TAAL, PATULOY NA NATAAS – PHIVOLCS

Marlon Luistro

Patuloy pa rin ang pagtaas ng  ibinubugang Sulfur Dioxide o S02 ng Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas.

Sa inilabas na advisory ng Phivolcs bandang alas-11 ng gabi kagabi, sinabi ng Phivolcs na umabot sa 17,141 tonelada kada araw ng volcanic sulfur dioxide ang ibinuga ng Bulkang Taal.

Pinakamataas yan simula nang ibaba sa Alert Level 1 ang Bulkan noong July 11.

Habang mula July 15 naman ay umaabot sa 6,041 tonelada kada araw ang average SO2 flux mula sa 1,289 tonelada kada araw na naitala mula Mayo.

Kapanisin pansin din aniya ang pagtaas ng degassing sa panununbmalik ng upwelling sa Taal Main Crater Lake at ang pagbuga ng makapal na usok sa mga nakalipas na araw.

Mayroon ding naitalang tatlong pagyanig o tremor events na tumagal ng siyam na minuto sa nakalipas na mga araw.

Ayon sa Phivolcs, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkan kayat bawal pa ring puntahan ang Taal Volcano Island na idineklarang permanent danger zone lalong lalo na sa palibot at loob ng main crater at Daang Kastila Fissure.