LINEMAN PATAY, 5 NASAKTAN MATAPOS MAKURYENTE SA BATANGAS

Arnell Ozaeta

Batangas – Patay ang 32-anyos na lineman samantalang sugatan naman ang 5 kasamahan nito matapos makuryente habang nagkakabit ng streetlight sa Batangas City Martes ng hapon. 

Kinilala ang nasawing biktima na si Nicolai Rivera, electrician, native ng Laguna at residente ng Brgy Tulo, Batangas City. 

Nagpapagamot naman sa Jesus of Nazareth Hospital sina Arjay Zulueta, Dineto Sodario, Claudilito Tolentino, Sonyboy Perpetua at Ricardo Mañalac dahil sa mga tinamong paso sa kanilang katawan. 

Ayon sa report, nagkakabit ng poste ng ilaw ang mga biktima sa gilid ng kalsada sa may Barangay Sampaga nang aksidenteng madikit sa live wire ang metal pole na hawak ng crane na naging sanhi ng pagka kuryente ng mga biktima bandang alas 2:17 ng hapon. 

Dead on the spot si Rivera at mabilis namang naisugod ang lima nitong kasamahan sa ospital.