PULIS PATAY SA PAMAMARIL SA LOOB NG OUTPOST

Ylou Dagos

Patay ang isang pulis matapos na barilin habang naka duty sa Police Assistance Center  sa Biñan City, Laguna Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktima na si PSSg Robert Torregrosa , miyembro ng Biñan City police station.

Batay sa report ng Biñan City police, bandang alas 9:00  ng gabi nang pagbabarilin ito ng dalawang hindi nakillang suspek habang nasa loob ng PAC 5 sa Barangay Timbao.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek na sumakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Barangay Loman Binan.

Isinugod pa ang biktima sa Qualimed Hospital Sta Rosa City  subalit binawian din ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ang motibo at kung sino ang mga salarin.