BINATA TIMBOG SA 40K NA HALAGA NG SHABU

📷 Calamba PNP

Ylou Dagos

Timbog ang isang 18-anyos na binata matapos masamsam dito ang nasa P40,000.00 na halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation sa Calamba City, Laguna Lunes ng gabi.

Batay sa report ng Laguna PNP, nakuha sa isang alyas Cyruz, residente ng Brgy. Parian, ang limang sachet ng shabu na tumitimbang ng hunigit kumulang sa 6 na gramo at tinatayang nagkakahalaga ang nasa  P40,800.00.

Isingawa ang buy-bust operation malapit sa bahay ng suspek dakong alas 8:48 ng gabi.

Nakakulong na ang suspek sa Calamba City police station locked up cell at sinampahan na rin ng kasong paglabag sa R.A 9165 o paglabag sa  Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.