TRICYCLE AT 3 MOTORSIKLO SINAGASA NG JEEP, 2 PATAY

📷 BS TANAY FIRST RESPONDER

Ylou Dagos

Dalawa ang patay habang tatlo ang sugatan matapos araruhin ng isang jeep ang tatlong motorsiklo at isang tricycle sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St., Sitio Suyok, Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal pasado alas-7 Lunes ng umaga.

Ayon  sa imbestigasyon ng Tanay Police, nakatulog ang driver ng jeep  kaya nawalan ng kontrol sa manibela at nabangga ang mga biktima sa gilid ng kalsada.

Kinilala ang driver ng jeep na si Virgilio Duran, 58, residente ng Brgy. Mabini, Baras, Rizal.

Pawang nasa gilid ng kalsada ang mga biktima na may kinakausap at ang iba nag-aabang lamang ng masasakyan.

Kabilang sa nasawi ay ang isang senior citizen na taga Sitio Suyuk, Brgy. Plaza Aldea at ang driver ng tricycle na si Abner Fercol.

Nagtamo naman ng malubhang sugat sa katawan ang tatlo pang biktima na dinala sa Rizal Provincial Hospital System sa Morong, Rizal at East Avenue Medical Center, Quezon City.

Kinialala ng mga nasugatan na sina Marie Grace Pacardo,   Daniel Moore,   Maria Christine Felcor.

Nahaharap sa kasong homicide with multiple serious physical injuries with multiple damage to properties ang driver ng jeep.