TRICYCLE DRIVER NA MAY NEGOSYONG 5-6, PATAY SA PAMAMARIL SA LUCENA

Ylou Dagos

Patay ang isang tricycle driver matapos na pagbabarilin habang ito ay nakahinto sa harap ng isang  tindahan ng tubig sa Barangay Dalahican, Lucena City Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Michael Abonita, taga Brgy. Talao-talao, Lucena City at may negosyong 5-6.

Batay sa report ng Lucena City police, mag aalas 9:00 ng gabi, sakay ang biktima sa kanyang tricycle nang huminto ito sa tapat ng isang bahay na bilihan ng tubig.

Subalit bigla na lamang itong nilapitan ng hindi nakilalang gunman at binaril ng tatlong beses sa ulo.

Mabilis ding tumakas ang ang suspek matapos ang pamamaril.

Agad namang nasawi ang biktima na hindi na nakababa sa driver seat ng motorsiklo.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ang motibo sa krimen.