MUNGKAHING BLOOD DONORS SA BAWAT BARANGAY SA LUCENA CITY, ISINULONG SA SANGUNIAN

Allan Llaneta

Isinusulong ngayon sa Sangguniang Panglungsod ng Lucena ang resolusyon para sa pagbibigay ng kahalagahan at pagmamalasakit sa kalusugan ng mga Lucenahin.

Sa  pribilihiyong pananalita ni Councilor Beth Sio sinabi nito ang kanyang tatlong mungkahi kabilang ang  pangangailangan ng dugo ng mga Lucenahin, ang maaaring solusyon sa pamamagitan ng isang memorandum of understanding at ang advantage at qualifications ng pagiging isang donor.

Ayon sa resolusyong, ang kahalagahan umano ng dugo sa oras ng may pasyenteng naaksidente,  sasalang sa operasyon at yung mga manganganak.

Importanteng bagay umano habang wala pang sariling ospital ang Lucena.

Sinabi pa ni Sio ay dapat maging libre na ang processing fee ng mga Lucenahin pagkukuha ng dugo sa Red cross.

Ayon pa rito marapat na magkaroon ng Blood Donors Day sa bawat barangay upang mabatid din ng mga mamamayan ang kahalagahan ng pagkakaloob ng dugo.