MOTORCYCLE RIDER, PATAY NANG SUMALPOK SA POSTE SA BAUAN

📷 Bauan PNP

Marlon Luistro

Dead on arrival na sa Bauan General Hospital ang isang rider makaraang sumalpok sa poste ang kanyang minamanehong motor sa Barangay Manghinao Uno, Bauan, Batangas nitong Huwebes ng gabi.

Nasawi sa aksidente ang biktimang nakilalang si Edgar Anonuevo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-8:35 ng gabi tinatahak ng biktima na nooy nasa impluwensya ng alak at lulan ng minamanehong motor ang daan pauwi sa kanyang tahanan  nang mawalan siya ng kontrol at sumalpok ang motor sa poste.

Sa lakas ng impact ay sumemplang sa kalsada ang biktima at nagtamo ng ibat ibang mga sugat sa katawan.

Patay na siya nang isugod sa ospital.

Ayon sa doktor ang sanhi ng pagkamatay ng biktima ay Hypovolemic shock due to Blood Traumatic Brain Injury.