
Ylou Dagos
Sa unang araw ng pagbibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng financial assistance para sa mga indigent students, pila na agad ang mga kukuha nito sa Quezon.
Ala una pa lamang ng madaling araw ay may nagsimula nang pumila sa labas ng Special Project Unit (SPU) compound sa Lucena City kung saan gagawin ang distribution.
Pamamahalaan ng mga tauhan ng national DSWD ang distribution ngayong araw.
Ang mga naunang pumila ay nanggaling pa sa mga malalayong bayan sa Quezon.
Ayon sa Local CSWD na siyang namamahala sa venue, alas 7:00 pa magsisimula ang pagbibigay ng educational assistance subalit dahil sa unang araw pa lamang ngayon, dadaan muna sa preliminary assessment ang mga applicants kung qualified ba sila para sa naturang financial aid.
Target ng DSWD na makapagbigay sila sa nasa 1,200 hanggang 1,500 beneficiaries ngayong araw.