7 SUGATAN SA SUMIRKONG SUV NA NASAKYAN NG MAY KAPANSANAN SA PAG-IISIP

Ylou Dagos

Sugatan ang pitong katao matapos na ng sinasakyan nilang SUV ay bumaliktad sa highway sa San Narciso, Quezon nitong Martes ng madaling araw.

Batay sa report ng San Narciso police, nawalan ng kontrol sa manibela ang nagmamanehong si Genaro Esquilona matapos na may biglang may sumakay na isang lalaking may kapansanan sa pag-iisip sa bubong ng sasakyan habang sila ay tumatakbo sa paakyat na kalsada sa Brgy Villa Reyes dakong ala 1:00 ng madaling araw.

Nalito umano ang driver at nagpagewang-gewang ang sasakyan hanggang dalawang beses na bumaliktad.

Nasugatan ang driver at ang mga pasahero na sina Gloria Esquilona,  Darwin Esquilona,  Ryan Esquilona, Angelica Esquilona,  Maxene May Esquilona at si  Norbing Castillo.

Isinugod ang mga ito sa ospital samantalang dinampot naman ng mga pulis ang  lalaking sumakay sa sasakyan.