2 PATAY SA PAMAMARIL SA MAGKAPANGALANG LUGAR SA BATANGAS

Ylou Dagos

Dalawa ang nasawi sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril sa magkapangalang lugar San Juan at Calatagan, Batangas nitong Huwebes.

Ayon sa report ng Batangas PNP, nadiskubre na lamang ang malamig ng bangkay ng isa sa 2  biktima, ang 38 anyos na  security guard na  si Vicente Tabora Jr , 38 anyos.

Nakabulagta sa loob ng gate ng  Estancia San Carlo D’Arona Inc. farm sa Sityo Puting Buhangin sa  Brgy. Paraiso, Calatagan, Batangas ang sekyu dakong alas 6:00 ng umaga.

May tama ito ng bala sa ulo at balikat.

Inaalam pa ang motibo ang kung sino ang suspek.

Samantala, sa Barangay Puting Buhangin naman, sa San Juan, Batangas, patay din sa pamamaril ang biktimang si Jesus Ejolen.

Ayon sa imbestigasyon ng  San Juan police, natutulog ang biktima sa kanyang kubo nang ilang beses itong  pagbabarilin ng kanyang kabaranggay na si Edwin de Torres dakong alas 4:30 ng hapon.

Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit ideneklara na itong dead on arrival ng doktor.

Nagsasagawa naman ng manhunt operation ang San Juan police sa ikadarakip ng suspek.