MGA PINAGLUMAANG DAMIT NG PNP DAPAT NG SIRAIN

📷 BPPO

Ylou Dagos

Dapat ng tuluyang sirain o wasakin ang mga lumang uniporme ng pulis na hindi na pasok sa PNP standards ayon sa isang PNP official.

Ito ang binigyang diin ni PNP Deputy Director, Directorate for Research and Development (DRD) at Task Force Commander “Bantay Bihis”, PBGEN Robert  Gallardo sa kanyang pagbisita sa headquarter ng Batangas Provincial Police Office sa Camp General Miguel C Malvar, Batangas City nitong Huwebes.

Ipinaalala rin ng opisyal sa mga miyembro ng Batangas PNP na sa mga accredited o certified na manufacturer lamang dapat bumili ng uniporme para  nakakasiguradong tama at pasok sa pamantayan ng PNP ang bibilhing uniporme.

Pinangunahan din ni Gallardo ang pagsasagawa ng  ceremonial destruction ng mga worn-out uniforms na siyang dapat anyang gawin upang maiwasang magamit pa ng iba partikular ng mga sibilyan lalo na sa paggawa ng krimen.

Sa panuntunan ng PNP, may kaparusahan sa batas ang hindi awtorisadong pagsusuot at paggamit ng anumang  kagamitan  ng pulis.