1 ENDANGERED NA KLASE NG AGILA NA-TRAP SA KULUNGAN NG MANOK SA QUEZON

📷 Dr. Beltran Francisco

Ylou Dagos

Isang endangered species ng ibong agila ang na-trap sa isang kulungan ng manok nang tangkain nitong dagitin o gawing prey ang isang  manok sa bakuran ng isang magsasaka sa Brgy. Rizal, Lucban, Quezon noong Lunes.

Hindi naman ginalaw ng magsasaka ang ibon at sa halip  ay tinawag ng nito ang kanyang pamangkin na si Mike Borines, isang Forestry  student sa Souther Luzon State Univerrsity- (SLSU) Lucban   upang itanong kung anong klaseng ibon ang napasuot sa kaniyang manukan.

Sa pamamagitan ng professor nito na si Dr. Beltran Francisco, na-identify ang agila na isang kapamilya ng  Philippine Hawk Eagle at isinurender ito sa SLSU College of Agriculture  upang mamonitor at malaman kung pwede na itong agad pakawalan.

Ayon kay Dr. Francisco, walang anumang sugat at malusog naman ang agila na tila may kabataan pa ang edad o juvenile  pa ito.

Sa ngayon ay nasa botanical garden pa ito ng unibersidad.

Dahil ang Philippine Hawk Eagle ay kabilang na sa mga    endangered species,  inihahanda na  ang pagpapakawala nito bukas sa  Mt. Banahaw De Lucban,  sa lugar na may mga  sightings pa ng nasabing ibon kung saan malapit sa pinagkakitaan nito.

Laking tuwa naman ni Briones nang malamang endangered species ang kanilang naisalba.

“Bilang isang Forestry student tungkulin naming protektahan at pangalagaan ang kalikasan gayon rin ang hayop na nabubuhay rito. Patunay ito na ang Mt. Banahaw ay mayaman sa iba’t ibang uri ng mga hayop, puno at halaman kaya marapat lamang natin itong protektahan laban sa mga gumagawa ng ilegal na gawain.” pahayag ni Borines sa kanyang Facebook account.

Sa kasalukyan ay may batas na   sa Pilipinas na nagbibigay proteksyon para sa mga samut-saring buhay o wildlife species kaya pinagbabawal na itong hulihin, ibenta, saktan, patayin o alagaan ayon sa Republic Act no. 9147 na kilala bilang Philippine Wildlife Act.