
Allan Llaneta
Inilunsad na sa lalawigan ng Quezon ang programa ng Department Of Health na “SA BOOSTER PINASLAKAS”.
Layon ng programa na mabigyan ng booster shots ang mga mamamayan sa Quezon partikular na ang mga
senior citizen at mga may comorbidity.
Ayon kay Quezon Governor Dra. Helen Tan sisikapin nilang mas mapataas pa ang bilang ng mabibigyan ng booster shot sa Quezon dahil batay sa tala ng mga nabakunahan sa Calabarzon Region, ang Quezon ang may pinakamababang bilang ng mga nabakunahan.
Sinabi naman ni Quezon Integrated Provincial Health Officer Head Dra. Christine Villasenior na tuloy ang mga ginagawang nilang pagbabakuna sa iba’t ibang lugar sa Quezon partikular sa lungsod ng Lucena.
Sa kasalukuyan umano ay hindi pa umaabot sa 90% na target ng probinsya ang nabigyan ng booster shot.
Sa huli nanawagan si Dra Villasenior sa mga mamamayan ng lalawigan na magpa booster shot na para na rin sa kaligtasan ng lahat sa Covid 19 virus.