PULIS SA QUEZON, INIREKLAMO NG PAMBUBUGBOG NG KANYANG DATING LIVE-IN PARTNER

Ylou Dagos

Nahaharap sa kasong physical abuse ang isang pulis matapos na ireklamo ng kanyang  dating  live-in partner na kanya umanong binugbog sa Lopez, Quezon noong Linggo ng madaling araw.

Martes ng hapon nang dumulog sa pulisya ang biktimang si alyas Ana  at ipinagharap ng sakdal ang kanyang dating kalive-in na miyembro ng Lopez MPS na may ranggong PCPL.

Ayon dito, dakong alas 2:30 ng madaling araw nang dumating ang pulis sa kanyang  bahay at nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pambubugbog ng supek.

Tinakot pa ito ng pulis na nagsabing: “Bago ka pa makapagsumbong, napatay na kita!”

Ayon pa sa pahayag ng biktima, palagi itong ginagawa ng suspek kapag ito ay nagtutungo sa kaniyang bahay. Hindi naman niya alam anya kung ano ang ikinagagalit nito sa kanya.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek.