ANIM NA DRUG PERSONALITIES, ARESTADO SA BATANGAS

📷 BPPO
📷 BPPO
📷 BPPO

Anim na drug personalities ang naaresto sa isinagawang buy-bust operations ng mga operatiba ng Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni BPPO Officer-In-Charge PCOL Pedro D. Soliba noong Lunes, September 12.

Unang naaresto si Argie Malubag y Abanes alyas “Jopay”dakong ika-1:50 ng hapon sa Purok 5, Brgy Banay-banay, Lipa City, Batangas. Nakumpiska mula sa kanya ang nasa 0.12 gramo ng shabu at buybust money.

Sunod na naaresto ay si Bernard De Castro sa ganap na ika 4:30 ng hapon sa Purok 1, Brgy Balintawak, Lipa City, Batangas at nakuha sa kanya ang .01 gramo ng shabu, buybust money at 1 itim na Honda TMX tricycle na walang plaka.

Arestado rin ang mga suspek na sina Marry Jean Garcia y Dela Cruz at Aileen Manila y Sioting alyas “Marlene Manila” na kasama sa drug watchlist ng Sto Tomas CPS  dakong alas 4:25 ng hapon sa Brgy. San Joaquin, Sto Tomas City, Batangas kung saan nasa 3 gramo ng shabu ang nakumpiska sa kanila kasama na ang buybust money.

Samantala, sa kaparehong Barangay, bayan pa rin ng Sto Tomas bandang alas 6:10 ng hapon, arestado si Jay Ann Manila y Sitiong, anak ni Aileen Manila at kabilang rin sa drug watchlist. Nakuha sa kanyang pagmamay-ari ang nasa 1 gramo ng shabu at buybust money.

Sa Tanauan City arestado naman si Avelino Llanova y Regalado alyas “Pare” sa ganap na ika 7:17 ng gabi sa Collantes Street, Poblacion 2, Tanauan City, Batangas at nakuha mula sa kanya ang nasa 0.5 gramo ng shabu.

                “Sa walang humpay na pagpasasagawa ng law enforcement operations nating ating kapulisan, tiyak na mapapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lalawigan. Patuloy ninyo kaming suportahan para sa ating kaunlaran,” banggit ni Soliba.