P3.4 MILYONG HALAGA NG SHABU, NASABAT SA BUYBUST SA BATANGAS CITY

📷 PDEA Batangas

Marlon Luistro

Aabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng PDEA at PNP sa ikinasang buybust operation sa may tapat ng fastfood sa Diversion Road, Barangay Alangilan, Batangas City noong Miyerkules ng hapon.

Huli sa aktong nagbebenta ng iligal na droga ang mga suspek na sila Noel Mangubat, 45 anyos, taga Barangay Wawa, Batangas City; at Ainsley Asi, 41 anyos, taga Barangay Lalayat, San Jose, Batangas.

Pasado alas-2:20 ng hapon nang ikasa ang joint operation laban sa mga suspek kung saan nasabat mula sa kanila ang 500 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalagang P3.4 milyon.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Wala pang pahayag ang mga suspek sa insidente.