CRIMINOLOGY STUDENT, TIMBOG SA PAGTUTULAK NG MARIJUANA SA LUCENA CITY

Allan Llaneta

Arestado ng mga awtoridad sa isang drug buy bust operation ang isang Criminology student sa bahagi ng barangay Uno sa Lucena City nitong Miyerkules ng umaga ( Sept 21 ).

Kinilala ni Lucena City Police Chief Colonel Reynaldo Reyes ang naarestong suspek na si John Dave Ariles , 22 anyos isang graduating Criminology student.

Ayon sa mga pulis pasado alas 8:00 ng umaga nang masakote ang suspek makaraang nagpanggap na bibili ng marijuana ang isa sa mga operatiba.

Nakuha sa pag-iingat ni Ariles ang 12 piraso plastic ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng 498 thousand, drug paraphernalia at isang 500 peso bill na ginamit bilang buy bust money.

Nasa kustodiya na ngayon ng Lucena City Police ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa rito.