2 PATAY MATAPOS MAKURYENTE SA MULANAY, QUEZON

Ylou Dagos

Patay ang dalawang magtiyuhin matapos na ang mga ito ay makuryente sa bayan ng Mulanay, Quezon.

Kapwa wala ng buhay nang madiskubre nitong Miyerkules ng hapon ang mga biktimang sina Fabian Ermo Bia, 75-anyos, at Sherwin Mediavilla, parehong residente ng Barangay Sta Rosa.

Batay sa report ng Mulanay police, umaga ng magtungo ang mga biktima sa kanilang bukid para bisitahin ang kanilang mga pananim.

Subalit ayon sa mga kaanak, hindi   nakabalik  ang dalawa ng tanghali na dapat ay oras ng kanilang pagkain.

Nang hanapin nakita ang magkatabing bangkay ng mga ito na nakabulagta malapit sa isang talop na kable ng kuryente.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na isa sa dalawang biktima  ang unang napahawak sa talop na linya at nakuryente  na posibleng tinangka namang tulungan ng ikalawa na naging dahilan ng pareho nilang pagkasawi.