100 MIYEMBRO AT SUPPORTERS NG CPP-NPA-NDF, SUMUKO SA QUEZON

📷 Quezon PNP

Ylou Dagos

Nasa kabuuang 100 katao na mga miyembro at mga supporters ng CPP-NPA-NDF ang sumuko at nagbalik loob sa pamahalaan sa bayan ng San Narciso, Quezon.

Ang mga nagbalik-loob ay sumuko sa mga lokal na miyembro ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kasama ang PNP at military sa mga barangay ng Abuyon at Bani.

Binubuo ang mga ito ng 28 aktibong miyembro ng grupong Militiang Bayan, 1 kasapi ng local NPA group na Sangay ng Partido sa Localidad (SPL), at 71 miyembro ng United Farmers Association, na isang Communist Affiliated Mass Organization (CAMO) sa nasabing lugar.

Sa aktibidad na pagkalas sa teroristang grupo na ginawa sa isang coverd court sa Barangay Abuyon, nagpahayag ng pagkundina sa dati nilang organisasyon na Communist Terrorist Group (CTG) ang mga nagsisuko at nagsagawa rin ang mga ito ng ceremonial signing ng Pledge of Commitment sa pamahalaan.

Sumasailalim pa sa custodial debriefing ang mga balik-loob sa gobyerno.