ISLA NG JOMALIG SA QUEZON BINABAYO NA NG BAGYONG KARDING

📷 Jomalig PNP

Ylou Dagos

Kasalukuyang hinahagupit ng bagyong Karding ang islang bayan ng Jomalig sa Quezon.

Ayon kay Mayor Nelmar Sarmiento, dakong alas 3 ngayong hapon nang magsimulang lumakas ang hangin na may kasamang pag-ulan at patuloy pa anya itong lumalakas.

Halos 80 porsyento na ng mga residente ng kanilang 5 barangay ang nasa mga mga evacuation center na.

Ang iba ay kusa ng nagsipaglikas ngayong hapon habang ang mga nauna ay dinala na sa mga evacuation center ng PNP matapos magpatupad sila ng forced evacuation kaninang umaga.

Wala na rin anyang suplay ng kuryente sa buong isla matapos mabagsakan ng mga puno ang mga linya nito.

Marami na rin anyang mga nasirang mga kabahayan.

Kasaukuyang nasa ilalim ng tropical cyclone wind signal number 5 ang bayan ng Jomalig kasama ng lahat ng bayan sa Extreme northern Quezon.