TUBIG DAGAT SA POLILLO, QUEZON UMAPAW NA SA MGA KABAHAYAN

Ylou Dagos

Umapaw na sa mga kabahayan ang tubig ng dagat sa bayan ng Polillo sa Quezon.

Ayon kay Geneva Mopera, public information officer ng Pamaahalaang Bayan ng Polillo, dakong alas 5:00 ng magsimulang pumasok ang tubig-dagat sa Barangay Poblacion.

Ito ay dahil anya sa sobrang laki na ng mga alon na sinabayan pa ng hightide.

Ayon pa kay Mopera, may mga natanggap na rin silang mga apektado ng storm surge at mga pagbaha sa iba pang 17 coastal barangay nila.

Subalit patuloy pa lamang ang kanilang monitoring dahil maging ang kanilang mga rescuer ay limitado ang pagkilos dahil sa dinaranas sa sobrang lakas na pagbayo ng bagyong Karding.

Pinipilit nila anyang maabot ang mga nasa mga mapanganib na lugar at pinapayuha naman ang mga nasa medyo ligtas ng lugar na huwag na munang lalabas ng bahay dahil sa panganib ng patuloy na nagbabagsakang mga puno at nagliliparang mga bubong ng bahay.

Hanggang sa mga oras na ito ay patuloy pa ring hinahagupit ng malakas ana hangin at ulan ang Polillo group of island na nasa ilalim pa rin ng signal number 5.