KARDING DESTROYS P186.5 MILLION WORTH OF AGRI CROPS, FISHERIES IN QUEZON

Sonny T. Mallari

Damage sustained by the agriculture sector in Quezon province due to Super Typhoon Karding (international name: Noru) reached P186.5 million, the provincial agriculture office said in a report Tuesday.

It enumerated that around 1,433 hectares of rice lands were destroyed, and 1,490 hectares were damaged by the typhoon that cut across the province on Sunday, September 25.

It affected 3,181 rice farmers.

The estimated cost of ravaged rice lands, most of which were almost ready for harvest, reached P119.4 million.

Some P30.2 million fruit-bearing trees covering 2,373 hectares were likewise damaged by the typhoon, affecting 3,076 farmers, while about 27,640 hectares of coconut trees worth P25.8 million were lost, affecting 9,213 coconut farmers.

Additionally, 195 hectares of vegetable plantations worth P5.2 million (affecting 841 farmers), 4.7 hectares of corn plots worth P338,000 (affecting three farmers), and commercial fish pens worth P5.4 million (affecting 115 operators) were also damaged by Karding.

According to the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), a total of 13,97 families composed of 50,435 individuals were displaced by the severe weather event’s wrath.

At least 8,619 families or 31,701 individuals are from the province’s 1st district, including the five island towns in northern Quezon facing the Pacific Ocean: Polillo, Burdeos, Panukulan, Jomalig, and Patnanungan.

The PDRRMO said 972 houses across the province were destroyed and 3,932 were damaged.

On Tuesday afternoon, Vice Gov. Anacleto III said the provincial council, acting on the letter by Gov. Angelina Tan, has declared a state of calamity in the island towns of Polillo, Burdeos, Panukulan, Patnanungan, Jomalig and the municipality of General Nakar.

The declaration of the state of calamity will hasten the rescue and relief and rehabilitation efforts of the government and the private sector in the said areas which were severely hit by the typhoon.

The move will also be an effective mechanism to control the prices of goods and commodities in the areas.

PRODUKTONG BATANGUENO BIDA SA DTI TRADE FAIR SA LIPA CITY

Lyka Manalo

Iba’t ibang produktong gawa ng mga Batangueño ang ibinida sa isinagawang opening ng trade fair ng Department of Trade and Industry (DTI-Batangas) noong Sabado, Setyembre 24.

Ang trade fair na may temang ‘Likha Galing Batangueño – a showcase of Batangas homegrown products ay bukas sa mga mamimili na matatagpuan sa ikalawang palapag ng SM City Lipa hanggang Setyembre 28.

Pinangunahan nina DTI-Batangas Provincial Director Leila Cabreros at Lipa City Councilor Mikee Morada ang ribbon cutting ng nasabing trade fair.

SINGIL SA KURYENTE NG BATELEC 2, MULING BUMABA NGAYONG SETYEMBRE

Marlon Luistro

Lungsod ng Lipa, Batangas – Sa ikalawang sunod na buwan ay muli na namang magbababa ng singil sa kuryente ang Batangas Electric Cooperative 2 (Batelec 2).

Ayon sa inilabas na pahayag sa official Facebook page ng kooperatiba noong ika-21 ng Setyembre, sinabi ng pamunuan ng Batelec 2 na magbababa ang singil sa kuryente sa residential consumers mula sa dating P14.0506 kada kilowatt hour noong Agosto 2022 patungo sa P13.8024 kada kWh ngayong Setyembre.

Bababa rin ang singil sa mga commercial consumers mula sa dating P13.6850 kada kilowatt hour noong Agosto 2022 patungo sa P13.3866 kada kWh ngayong Setyembre.

Samantala, tinatayang nasa P0.2482 kada kilowatt hour naman (kWh) ang ibinaba ng singil para sa residential consumers habang P0.2984 kada kWh naman ang itinaas para sa commercial – low voltage consumers.

Ayon sa Batelec, nagkaroon ng bahagyang pagbaba sa residential rate para sa buwan ng Setyembre dahil na rin sa pag blend ng bagong power supplier ng BATELEC II at murang presyohan sa wholesale electricity spot market (WESM) na nag pagbaba ng presyo Generation cost.

Ipinaliwanag din ng Batelec na ang generation charge ay isang pass-through charge o ipinapasang singil at nagsisilbing collector lamang ang kooperatiba ng nasabing bayarin.

Muli namang nagpaalala ang kooperatiba sa mga konsumidores na maging masinop sa paggamit ng kuryente.

BAHAGYANG PAGTAAS NG SINGIL SA KURYENTE HINILING SA ERC

Lyka Manalo

Hiniling ng SMC Global Power Holdings Corp (SMCGP) at Meralco sa Energy Regulatory Commission (ERC) na pansamantalang payagan itong bahagyang itaas ang presyo ng kuryenteng galing sa Sual Coal at Ilijan Natural Gas power plants upang hindi tumaas ng mas malaki sa mga susunod na buwan at hindi maantala ang suplay nito.

Kamakailan lamang ay ginanap ang unang ERC hearing kung saan isinaad ng dalawang kumpanya ang dahilan para sa naturang petisyon.  

Ang power supply agreement (PSA) sa pagitan ng Meralco at SMCGP ay isa sa pinakamalaking kontratang pang enerhiya sa bansa, kung saan ang presyo ay “fixed rate.”  

Sa ilalim ng mga PSA na ito ay hindi ipinapasa sa konsyumer ang karagdagang gastos sa pag-gawa ng enerhiya, kaya’t ang halaga ng kuryente sa Metro Manila ay hindi gaanong tumataas kumpara sa ibang parte ng bansa. 

“Alam po namin na ang anumang pagtaas ng presyo ng kuryente ay hindi katanggap-tanggap. Kaya noong nakaraang taon ay hindi kami humingi na rate increase at hindi ipinasa sa mga konsyumer ang dagdag na gastos,”ayon kay SMCGP chairman Ramon S. Ang. 

Ngunit ayon kay Ang, malaki ang naging epekto sa pandaigdigang presyo ng coal ang labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine, maging ang pagpapatuloy ng pandemya.  

“Hindi inaasahan ang kakaibang pagbulusok na ito ng world prices ng fuel, kabilang ang coal, dahil noong 2019 dahil ang halaga lamang ng nito ay nasa US$65 per metric ton. Ang forecast pa ay ito din ang magiging average sa loob ng sampung taon. Ngayon, ito ay umaabot na sa US$400/MT,” wika ni Ang. 

“Ikinalulungkot naming sabihin na lubhang nakakaapekto ito sa operasyon ng dalawang planta. At hindi na kayang matustusan ang operasyon ng mga ito ng palugi, dahil mako-kompromiso naman ang ibang proyekto para sa pangkalahatang energy security ng bansa, maging ang aming mga obligasyong pinansyal, dagdag ni Ang. 

Sinabi pa niya na ang hiling lang ng kumpanya ay kaunting adjustment sa presyo para sa dalawang planta, sakop ang unang anim na buwan ng 2022, upang patuloy ang mga itong makapag-supply ng kuryente sa Meralco.   

Sa paraang ito, maiiwasan din ang epekto ng pag-terminate ng mga PSA–na magre-resulta sa mas mahal na presyo ng kuryente–sa mga industriya at iba pang gumagamit ng kuryente, lalung-lalo na ang low-income households. 

Kung pahihintulutan ng ERC, ang hinihinging pagluluwag ng SMCGP at Meralco ay magkakahalaga lamang ng 30 sentimo bawat kilowatt hour. 

Ngunit kung ito ay hindi papayagan ng ERC ay mapilitan ang dalawang kumpanya na ipawalang-bisa ang PSA.  Ang magiging resulta nito ay ang pagtataas ng hanggang P1.30/kwh sa presyo ng kuryente na ipapapataw ng Meralco sa susunod na tatlo hanggang apat na buwan. 

Kasama sa mga service areas ng Meralco ang Metro Manila, mga lalawigan ng Rizal, Cavite, Bulacan at mga bahagi ng Pampanga, Batangas, Laguna at Quezon.   

Nauna nang nakapagbigay ng notice of termination sa Meralco ang South Premiere Power Corp. at San Miguel Energy Corp., na nagpapatakbo sa Ilijan and Sual plants. Ito ay magiging epektibo sa ‪Oct. 4, kung hindi matutulungan ang dalawang planta. 

“Nakikiisa kami sa pamahalaan para sa kapakanan ng konsyumer. Kahit pa karamihan sa mga power producers ay ipinapasa sa mga konsyumer ang dagdag na gastos ay tinanggap namin ang karagdagang gastos na ito noong nakaraang taon. Iyan ang dahilan kung bakit hindi gaanong tumaas ang presyo ng kuryente sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon, kumpara sa ibang lugar sa bansa,” paliwanag ni Ang. 

Sakaling hindi tanggapin ng ERC ang hiling ng SMCGP at Meralco ay mapipilitan ang Meralco na humanap ng alternatibong pagkukunan ng supply ang Meralco na mas magastos. Kasama na dito ang Wholesale Electricity Spot Market (WESM). 

Sa pagkuha ng Meralco emergency supply ay mas lalo pang tataas ang presyo ng kuryente dahil sa mahinang piso laban sa dolyar at patuloy na pagtaas ng pandaigdigang presyo ng panggatong o coal. 

Sa kasalukuyan ay nag-invest na rin ang SMCGP sa pagpapatayo ng pinakamalaking network ng Battery Energy Storage System (BESS) facilities sa Pilipinas at Timog-silangang Asya. Ito ay magbibigay ng reliable supply ng kuryente sa buong bansa at makakatulong sa malawakang paggamit ng renewable energy sa bansa.  

Maliban dito ay nag-invest na rin ang SMCGP sa kapasidad ng natural gas para makatulong sa transition ng bansa mula sa coal power.

CALACA, IKA-LIMANG LUNGSOD SA PROBINSYA NG BATANGAS

Marlon Luistro

Calaca, Batangas Pormal nang ipinroklama ang Calaca bilang pinakabagong component city sa lalawigan ng Batangas matapos ang isang plebisito na nagpatibay sa conversion ng dating first-class municipality.

Dahil dito, ang Calaca ang kauna-unahang lungsod sa unang district ng lalawigan ng Batangas at panglima kasunod ng mga lungsod ng Lipa, Batangas, Tanauan at Sto. Thomas.

Lumabas sa opisyal na resulta ng Comelec na 29,424 ang bumoto ng oo habang 3,781 ang bumoto for sa hindi for sa pagiging siyudad ng Calaca.

Mahigit 50 percent ng populasyon ng mga botante ng Calaca ang lumabas upang bumoto sa 37 itinalagang polling center noong Saturday sa kabila ng banta ng malakas na pag-ulan dala ng habagat na pinahusay ng presensya ng Bagyong Henry.

Saksi sa proklamasyon sina Comelec Chairman George Erwin Garcia, Commissioner Aimee Ferolino, Mayor Nas Ona, First District Rep. Eric Buhain, ang kanyang maybahay na si dating Rep. Eileen Ermita-Buhain at iba pang lokal na opisyal.

Masayang ipinagdiwang ng mga tao sa lansangan ang pagiging siyudad ng kanilang bayan.

Nagpalakpakan sila at nagsigawan habang pinanonood ang magarbong fireworks display sa harap ng municipal hall.

Sinabi ni Calaca police officer-in-charge PLt. Sinabi ni Col. Willy Salazar sa isang press statement na naging matagumpay ang isinagawang plebisito dahil ginawa ito sa isang mapayapa at maayos na paraan.

Nasa 585 kapulisan na nagmula sa iba’t-ibang bayan ang itinalaga para magbantay sa nangyaring botohan at nagtayo rin ng apat na checkpoints sa Calaca at mga karatig-bayan para tiyakin ang kaligtasan ng isasagawang plebisito.

Noong May 26, 2021, nilagdaan noon ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11544 for sa conversion ng Calaca patungo sa isang component city.

Ang Calaca, na matatagpuan 116 km mula sa Maynila, ay dating baryo at bahagi ng Balayan bago ito opisyal na ginawang bayan noong May 10, 1835.

Ayon sa census noong 2020, ang Calaca ay may populasyon na 87,361 katao na may sukat na 114.58 km kuwadrado.

SINGIL SA KURYENTE NG BATELEC 2, BABABA NGAYONG AGOSTO

Marlon Luistro

Lungsod ng Lipa, Batangas – Magbababa ng singil sa kuryente ang Batangas Electric Cooperative 2 (Batelec 2) ngayong buwan ng Agosto.

Ayon sa inilabas na pahayag sa official Facebook page ng kooperatiba noong ika-20 ng Agosto, sinabi ng pamunuan ng Batelec 2 na bababa ang singil sa kuryente sa residential consumers mula sa P14.0649 kada kilowatt hour noong Hulyo 2022 patungo sa P14.0506 kada kWh ngayong Agosto 2022.

Bababa rin ang singil sa mga commercial consumers mula sa dating P13.6805 kada kilowatt hour noong Hulyo 2022 patungo sa P13.6850 kada kWh ngayong buwan ng Agosto 2022.

Samantala, tinatayang nasa P0.0142 kada kilowatt hour naman ang ibinaba para sa residential consumers habang P0.0045 kada kWh naman ang ibinaba para sa commercial – low voltage consumers.

Ayon sa Batelec, nagkaroon ng bahagyang pagbaba sa residential rate para sa buwan ng Agosto 2022 na sanhi ng pag blend ng bagong power supplier ng BATELEC II na nagpababa ng presyo ng Generation cost.

Ipinaliwanag din ng Batelec na ang generation charge ay isang pass-through charge o ipinapasang singil at nagsisilbing collector lamang ang Batelec ng nasabing bayarin.

Patuloy namang nagpaalala ang kooperatiba sa mga konsumidores na maging masinop sa paggamit ng kuryente.

CALACA VOTES FOR CITYHOOD ON SEPTEMBER 3

A plebiscite to ratify the conversion of the Municipality of Calaca into a component city, to be known as the City of Calaca, will be held on September 03, 2022.

Calaca, known in the country as the Power Town in South Luzon, is set to become the first city in the western part of Batangas.

Local officials affirm that Calaca is more than ready to become a full fledged city. They are now holding activities to ensure the benefits of becoming a city would reach every Calaqueño.

Information activities include motorcade, town hall meetings, house-to-house campaigns and the use of social media.

Among benefits being promoted is the increase in the budget of the municipality. With the cityhood, the local government can enjoy fiscal management in generating and allocating financial resources and greater share in the National Tax Allotment (formerly referred to as Internal Revenue Allotment).

More funds mean expansion of local government functions.  Mandatory offices required for a city government include the City Prosecutor’s Office, City Veterinary Office and City Jail. This also means more appropriation for programs, projects, and activities of the LGU for social and health services, infrastructure projects, peace and order, livelihood, education, environment, and agriculture.

Cityhood also allows for an increase in the budget for the Special Education Fund (SEF), which supports programs such as the scholarship program, provision of school supplies, capability building for teachers as well as infrastructure projects for educational purposes.

Local officials also state that most investors prefer to put up their businesses in a city that could boost the local economy, create livelihood, and generate more jobs. They also reiterate that no tax increase will be needed because the city shall get its full share in Real Property Tax, Professional Taxes, among others.

The journey to cityhood started during the administration of former Mayor Sofronio Manuel ‘Boogle’ C. Ona. This advocacy continues during the administration of Mayor Sofronio ‘Nas’ C. Ona, Jr. With the support and guidance from former Congresswoman Eileen Ermita-Buhain, it has gone through the required legislative process at the House of Representatives and Senate before reaching the Office of the President.

On May 26, 2021, former President R. Rodrigo signed the Republic Act (R.A.) No. 11544 entitled “An Act Converting The Municipality Of Calaca In The Province Of Batangas Into A Component City To Be Known As The City Of Calaca”.

PAGSAMA NG LOS BANOS EXIT SA LAGUNA LAKESHORE ROAD NETWORK ISINUSULONG

Nakipag-pulong si Mayor Anthony Genuino at iba pang mga ospiyal ng bayan sa mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Laguna Lake Development Authority (LLDA) upang pormal na isulong ang pagkakaroon ng Los Baños Exit sa planong Laguna Lakeshore Road Network (LLRN).

Ayon kay Genuino, magiging ‘daan sa kaunlaran’ ang pagkakaroon ng Los Baños exit na magdurugtong sa Metro Manila at iba’t-ibang mga distrito sa Laguna.

Dagdag ng alkalde, mayroon nang binalangkas na Lakeshore Development Project ang bayan para maihanay ang mga rehabilitation programs nito sa baybayin ng Laguna de Bay, kasabay ng planong proyekto.

Bahagi ng LLRN Phase 1 ang pagdurugtong sa mga lungsod ng Taguig, Muntinlupa, San Pedro, Biñan, Santa Rosa, Cabuyao, at Calamba; habang nasa Phase 2 ng proyekto ang iba pang mga munisipalidad sa lalawigan. (PIA)

FARMER’S MARKET DAY INILUNSAD SA BATANGAS CITY

Lyka Manalo

“Hindi lang kami tinuruan, ang kanilang pagtulong ay hanggang sa dulo”

Ito ang ibinahagi ni Victor Malibiran ng Barangay Tabangao Dao, Batangas City.

Si Malibiran ay isa sa mga magsasakang lumahok sa programa ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) kapartner ang SM Foundation.

Ang programang Kabalikat sa Kabuhayan (KSK) ay naglalayong maturuan ang mga magsasaka ng mga makabagong paraan ng pagtatanim hanggang sa maani at maibenta ito sa merkado.

Kasama sa programa ang paglalagak ng espasyo sa mga SM malls para sa mga magsasaka na maibenta ang kanilang mga produkto sa SM Farmer’s Day.

Sumasailalim ang mga farmers sa 12 linggo ng pagsasanay sa comprehensive course sa produksyon ng organic high-value crop farming.

Kabilang sa kanilang mga produkto  ang mga sariwang gulay at prutas tulad ng indian mango, atis, talong, mais, pipino at iba pa.

Ayon kay Dr. Loyola Bagui, hepe ng OCVAS, isa din itong programa ng lungsod upang mahikayat din ang mga kabataan na magtanim at magka interes sa farming.

Isinagawa ang pagbubukas ng Farmer’s Day  noong Linggo, Hulyo 24 sa SM Batangas City. Binibigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka na magtinda ng kanilang produkto tuwing araw ng linggo hanggang Disyembre.

DIGITAL PAYMENTS PARA SA MGA TRANSAKSYON ISINUSULONG NG CAVINTI

Pinag-aaralan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Cavinti na gumamit ng ‘digital payment system’ bilang alternatibong paraan sa pagbabayad ng mga transaksiyon sa kanilang mga tanggapan.

Kamakailan ay nakipagpulong si Mayor Arrantlee Arroyo kasama ang iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan sa GCash upang pag-usapan ang kagandahan ng paggamit ng digital wallet para sa mga transaksiyon nito.

Ayon kay Arroyo, makakatulong ang paggamit ng online payment system para sa mga residente na nasa malalayong lugar at mga turista na bibisita sa kanilang bayan.

“Isa rin po ito sa layunin ng inyong lingkod upang makapagbayad ang mga nasa malalayong lugar at mapadali ang transaksyon ng ating mga mamamayan kasama na ang mga turista para sa pagbabayad ng mga Real Property Taxes, Business Permit, Water Bill at Entrance Fees sa ating mga Tourist Spots,” pahayag ni Arroyo.

Dagdag pa ng alklade ay muli silang makikipagpulong sa GCash upang maisaayos ang naturang inisyatibo.

“Muli po natin itong pagpupulungan upang maisaayos at tunay na maisakatuparan ang napakagandang programang ito para sa gARANTisadong progreso ng ating mga mamamayan,” pahayag nito. (PIA)