IBAT-IBANG MGA IMPROVISED BAG, BUMIDA SA NO BAG DAY SA ISANG ESKWELAHAN SA QUEZON

Ylou Dagos

Naging kuwela ang event na isinagawa ng isang secondary school sa Sariaya, Quezon, ang No Bag Day o hindi pagdadala ng mga tradisyunal na bag sa kanilang pagpasok.

 Nakita ang ‘wittiness’ at ‘creativeness’ ng mga mag-aaral mula sa Saint Joseph Academy of Sariaya, Quezon  (SJASQ)  kungsaan nagdulot ito ng kasiyahan sa mga sumaksi sa programa at maging sa mga netizen na nakita ang event sa social media page ng nasabing eskwelahan.

Sa nasabing aktibidad, kailangang magdala ng mga mag-aaral ng ‘unusual bags’ o kakaibang bag na maaaring paglagyan ng kanilang mga gamit sa eskwelahan.

“As a part of the season of creation celebration, Josephinians brought unusual bags to carry their books, portfolios, and food,” ayon sa Facebook caption ng SSG – Saint Joseph Academy.

Kaya naman kaniya-kaniyang pakulo ang mga estudyante.

Ang ilan ay nagdala ng bayong, ice box, oven, maleta, timba, unan, kaldero, mga lumang kahon  at ang pinakamatindi sa lahat, case ng beer at kulungan ng manok.

Tinawag din nila ang event na the season of creation celebration.

“This season of creation is a season to remember!” ayon sa SJASQ.

MGA MAG-AARAL SA ISANG ESKWELAHAN SA QUEZON, SA SABUNGAN NAGKAKLASE

📷 Lorena Rubio Regalia

Ylou Dagos

Isang sabungan sa Mulanay, Quezon ang nagsisilbi ngayong eskwelahan para sa nasa mahigit na 200  mag-aaral sa isang barangay sa nasabing bayan.

Nasa  232 na mag-aaral ng dating San Isidro Elementary School sa Barangay San Isidro, ang nagkaklase sa sabungan buhat  nang  mag-umpisa ang face to face classes nitong buwan ng Agosto.

Ito ay matapos wasakin ng magkasunod na bagyong Rolly at bagyong Ulysses na tumama sa Quezon noong 2020  ang mga gusali at classroom ng dating eskwelahan.

Naapektuhan din ang nasabing paaralan ng mga nagdaang iba pang kalamidad tulad ng lindol at mga landslide dulot ng mga pag-ulan.

Matapos bisitahin ng LGU at mga tauhan  Mines and Geosciences Bureau ang pinsala sa mga imprastraktura at sa lugar na kinatatayuan, tuluyan nang ipinasara noong November 2020  ang school at idineklarang condemned ang lugar.

Wala nang sinumang pinayagang makapasok dahil sa posibleng panganib ng tuluyang pagguho nito.

Ayon kay Agnes Par, isa sa mga guro sa paaralan, pasalamat na lamang sila at nasa kasagsagan ng pandemic nang ipasara ang paaralan at wala silang mga estudyante noon.

Subalit naging problema nila ang pagbubukas ng face to face classes kaya naisipan nilang humingi ng tulong sa kanilang barangay chairman na magamit ang barangay hall upang maging  pansamantalang paaralan.

Subalit ang ipinagamit ng kapitan ay ang kaniyang pag-aaring sabungan, ang Decena sports arena,  na nasa kanila ding barangay.

Pumayag naman ang local DEPED na doon pumasok ang mga bata dahil ang pangalan  nito ay sports arena at hindi sabungan.

Hinati-hati ng mga guro ang bawat bahagi ng sabungan sa ibat-ibang grado ng mag-aaral at ang pinakagitna na dating siyang pinagsasabungan ng mga manok ang siyang naging faculty room ng mga guro.

Mahirap man sa kalagayan ng mga estudyante ang doon pumasok dahil ang iba ay sa mga upuan ng sabungan nagsusulat ay pasalamat na rin ang mga guro at mga magulang  at may napasukan ang kanilang mga bata.

Pero nanawagan pa rin sila ng tulong sa pamahalaang lokal at nasyunal at maging sa DEPED  na muling maipatayo ang dating eskwelahan na ayon sa ilang mga residente at mga magulang na doon din nagsipag-aral   ay naging bahagi na rin ng kanilang mga kasaysayan.

KLASE  SA QUEZON,  ILANG BAYAN SA LAGUNA AT RIZAL SINUSPENDE DAHIL SA BAGYONG FLORITA

Ylou Dagos

Sinuspende na ang pasok ng mga estudyante mula kinder hanggang highschool sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong lalawigan ng Quezon ngayong araw, Martes.

Ito ay base sa memorandum circular na inilabas ng Pamahalaang Panlalawigan kaninang ala 1:00 ng madaling araw.

Halos magdamag na binabayo ng pag ulan ang malaking  bahagi ng buong lalawigan ng Quezon.

Base sa advisory ng PAGASA alas 5:00 Lunes ng hapon, nasa ilalim ng typhoon signal number 1 ang mga bayan ng General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Perez, Alabat, Quezon, at Calauag.

Samantala sa Laguna , dahil sa sama ng panahon dulot ng bagyong Florita, sinuspende na rin  Governor Ramil Hernandez  ang mga klase ng kindergarten sa mga  pribado at pampublikong paaralan ngayong araw sa mga bayan ng Santa Maria, Famy, Siniloan, Pangil, Pakil, at Paete na nasa ilalim ng signal no. 1 base sa PAGASA Tropical Cyclone Bulletin No. 8 na inilabas 11pm kagabi.

Sa lalawigan naman ng Rizal kung saan nakataas pa rin ang signal no.  1, suspendido rin ang klase ng mga munting mag-aaral na nasa preschool sa parehong public at private schools alinsunod sa existing Deped guidelines para sa class suspension. 

MAHIGIT 10 LIBO POLICE AT MGA FORCE MULTIPLIERS IDENEPLOY NG CALABARZON PNP PARA SA BALIK ESKWELA

Ylou Dagos

Nasa mahigit na 10 libong mga pulis at mga force multipliers ang idineploy ng CALABARZON police sa lahat ng mga eskwelahan sa rehiyon bilang pag-alalay sa pagbabalik-ekwela ng mga mag-aaral ngayong Lunes.

Ayon sa PRO 4A Calabarzon, 6,542  mga police at 4,066 force multipliers  ang ikinalat sa mga bayan ng 5 lalawigan ng CALABARZON.

Bago pa man nagsimula ang klase ay nagbaba na ng kautusan si Police Regional Office CALABARZON director, Police Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez, Jr. sa mga provincial, city at munucipal police office na maglagay ng mga Police Public Assistance Desks  at palakasin ang police visibility sa mga ewskelahan sa kani-kanilang area of responsibility.

Bukod sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga batang mag-aaral at mga guro, kabilang sa mga naging aktibidad ng pulisya ay ang pag-attend sa mga flag ceremony  at  pamumuno sa Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas.

Namigay din ang mga pulis ng mga facemask, alcohol,  mga pagkain at mga safety pamphlets tips sa ilang paaralan.

Ayon sa DEPED, ang Calabarzon ang may pinakamataas na bilang ng mga nagparehistro na may 3,709,599; sumunod ang Central Luzon na may 2,810,330; at National Capital Region na may 2,406,014.

DSWD: 3,620 POOR STUDENTS GET CASH AID IN CALABARZON

Government social workers distribute cash aid to poor students in Calabarzon (📷 DSWD Region IVA)

Sonny T. Mallari

LUCENA CITY – Despite the chaotic conduct of the distribution of aid due to the thousands of beneficiaries queueing up, the Department of Social Welfare and Development (DSWD) in the Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) region still managed to give out government cash aid to 3,620 poor students on Saturday (August 21).

The DSWD-Region IV-A in a report posted on their Facebook page on Saturday night said the students received their cash grants in seven payout/assessment centers in the region and its regional office in Alabang, Muntinlupa City.

A total of P10.9 million was provided to 3,620 “students-in-crisis.”

“Each student received P1,000 to P4,000 depending on their grade level,” the DSWD said.

The DSWD will continue processing educational assistance in the next five Saturdays in various locations to reach more poor students across the region.

Under the DSWD’s Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), its educational assistance is an aid for students to help them pay for their school needs such as school supplies and projects.

On Saturday, thousands of people, both parents and students, trooped to DSWD offices in various parts of the country to avail of the educational assistance program that was only announced on Thursday by Social Welfare Secretary Erwin Tulfo.

Tulfo publicly apologized as he acknowledged the confusion and disorder.

He announced that the distribution will now be led by local government units (LGUs), but still under the DSWD’s supervision “to avoid favoritism.”

ISANG ARAW BAGO ANG SIMULA NG KLASE, MGA MAGULANG NAGKUKUMAHOG PA RIN SA PAGBILI NG MGA GAMIT-ESKWELA NG MGA ANAK

Isang araw bago ang pag-arangkada ng 2022 -23 school year face to face classes ay kandakumahog ang mga magulang sa pamimili ng mga gamit-eskwela ng kanilang mga anak.

Sa Lucena City, 3 araw nang ganito ang sitwasyon kung saan maaga pa lamang ay nakapila na ang mga mamimili sa mga school supplies store at maging sa mga side walk stalls na nagtitinda ng mga gamit-eskwela.

Ayon sa mga magulang, mas pinipili nilang mamili sa mga maliliiit na tindahan, palengke  at sa mga sidewalk dahil mas mura nilang nabibili ang mga gamit dito kumpara sa mga malls.

Ayon pa sa mga namimili, bukod sa mga school supplies tulad ng mga notebook, papel, lapis, ballpen, colors at iba pa, ay kelangang ibili rin nila ng mga bagong uniporme ang kanilang mga estudyante.

Bagamat hindi naman anya required ngayon sa mga estudyante na magsuot ng school uniforms sa pagpasok, pero ayon sa mga magulang mas makakatipid  pa rin sa damit  kung school uniforms ang gagamitin ng kanilang mga anak  keysa sa mga free style na kasuotan.

Marami anya kasi sa mga dating  uniform ng kanilang mga anak ay nagsipagliitan na dahil sa pagkakatengga ng dalawang taon na hindi nagagamit.

Yung ibang nag last minute shopping at nakikipagsiksikan ay dahil umano sa ngayon lamang sila nagkaroon budget para sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak sa pagpasok na nangangailangan din ng malaking halaga lalo  na at marami silang anak na pinapag-aral.

MGA KUKUHA NG EDUCATIONAL ASSISTANCE SA QUEZON DAGSA NA

Ylou Dagos

Sa unang araw ng pagbibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng financial assistance para sa mga indigent students, pila na agad ang mga kukuha nito sa Quezon.

Ala una pa lamang ng madaling araw  ay may nagsimula nang pumila sa labas ng  Special Project Unit (SPU) compound  sa Lucena City kung saan gagawin ang distribution.

Pamamahalaan ng mga tauhan ng national DSWD ang distribution ngayong araw.

Ang mga naunang pumila ay nanggaling pa sa mga malalayong bayan sa Quezon.

Ayon sa Local CSWD na siyang namamahala sa venue, alas 7:00 pa  magsisimula ang pagbibigay ng educational assistance subalit dahil sa unang araw pa lamang ngayon, dadaan muna sa  preliminary assessment ang mga applicants  kung  qualified ba sila para sa naturang financial aid.

Target ng DSWD na makapagbigay sila sa nasa 1,200 hanggang 1,500 beneficiaries ngayong araw.

CIGD 4A CONDUCTS COMMUNITY OUTREACH PROGRAM AND BALIK-ESKWELA ACTIVITIES

Roselle R. Aquino

Camp BGen Vicente Lim, Calamba City – Personnel of CIDG RFU4A and CIDG Quezon PFU under the supervision of its Regional Chief Col Marlon Santos, in coordination with Barangay Chairman Amadeo  Suarez of Barangay 8 Poblacion, Lucena City,  conducted a PNP Community Outreach Program and Balik Eskwela Activity at said barangay.

During the activity, the team distributed school shoes to 150 students and children who belonged to the less fortunate families of the said barangay.

Santoa said this is a simple act to help lessen  financial burden in buying school shoes to be used during the face to face classes in connection with the Balik Eskwela Program.

NATIONAL UNIVERSITY, BUBUKSAN SA LIPA CITY

📷 NU Lipa Facebook Page

Alynna Marie Calayag

Magkakaroon ng official launching ang bubuksang National University- Lipa Campus na gaganapin sa Events Center ng SM City Lipa, bukas, ika-11 ng Hunyo.

Nakatakdang ganapin ang campus tour at motorcade bilang bahagi ng launching na dadaluhan naman ng mga miyembro ng NU Men’s Basketball Team, NU Men’s Volleyball Team Members and Coaches, NU Percussion Department and Cheer Squadron, NU Chorale at NU Underdawgz.

Pormal naman na magsisimula ang face-to-face classes ng National University Lipa sa ika-15 ng Agosto 2022 kung saan nag-aalok ang unibersidad ng mga kurso tulad ng BS in Accounting, BS Business Administration Major in Financial Management, BS Business Administration Major in Marketing Management, BS in Civil Engineering, BS in Computer Science, BS in Information Technology, BS in Medical Technology, BS in Nursing at BS in Psychology.

Isa ang National University-Lipa sa mga ibang campus ng unibersidad sa buong bansa tulad ng : NU Manila, NU Laguna (Sports Academy), NU Fairview, NU Mall of Asia (College of Dentistry), NU Baliwag at NU Dasmariñas.

MUSHROOM TRAINING PARA SA ARBO’S, ISINAGAWA SA RIZAL

📷 DOST-RIZAL

Alynna Marie Calayag

Pinangunahan ng Philippine Science and Technology Center-Rizal (PSTC-RIZAL) ang dalawang araw na skills training sa Mushroom Production and Processing na ginanap noong Hunyo 2-3 sa Shared Service Facility, Brgy. Niogan, Pililia, Rizal at online, sa pamamagitan ng Zoom.

Nakibahagi sa nasabing training ang mga Agrarian Reform Beneficiary Organizations (ARBO’s) partikular na ang Niogan Agrarian Reform Beneficiaries Multi-Purpose Cooperative (NARBSMPC) at Mahabang Parang Angono CLOA Holders Farmers Association., Inc. (MPACHFAI).

Naging sentro ng training ang tungkol sa tama at ligtas na paraan ng pagpoproseso ng mga kabute upang gawing harina gamit ang LPG air dryer at pulverizer. Tinalakay ito ni Ms. Monica Manalo, Science Research Specialist I mula sa Food Processing Division of the DOST- Industrial Technology Development Institute (DOST-ITDI).

Bukod roon, ginanap rin ang technology training sa paggawa ng mushroom chicharon, mushroom patties at mushroom polvoron.

Katuwang ng PSTC-Rizal sa isinagawang training ang Department of Science and Technology-Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCARRD), Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Trade and Industry sa probinsya ng Rizal.