ELECTION PROTEST LABAN KAY MAYOR ONA DINISMIS NG KORTE

Lyka Manalo

Dinismis ng Regional Trial Court (RTC) Balayan ang election protest laban kay Mayor Nas Ona ng Calaca, Batangas.

Ayon sa dokumentong naka post sa FB page ni Ona na nilagdaan ni Executive Judge Cristino E. Judit noong Agosto 22, walang basehan ang protesta ni Renante Macalindong na nakalaban niya noong nakaraang eleksiyon sa pagka-alkalde.

Nakakuha si Ona ng 31,285 na boto habang 21,305 naman ang nakuha ni Macalindong sa nakaraang 2022 elections kung saan lamang ang alkalde ng 9,980 na boto.

ELECTION PROTEST NI SABILI VS AFRICA, IBINASURA NG COMELEC

EX Mayor Meynard Sabili / Lipa Mayor Eric Africa

Marlon Luistro

Lungsod  ng Lipa, Batangas – Ibinasura ng Comelec 2nd Division ang  election protest ni dating Lipa Mayor Meynard Sabili laban sa katunggaling si Mayor Eric Africa dahil sa kakulangan ng ebidensya at nilalaman.

Sa pitong pahinang desisyong inilabas ng poll body na pirmado ni Presiding Commissioner Marlon Casquejo at Commissioner Rey Dulay, sinabi nitong ang alegasyon ni Sabili kabilang na ang mga inilakip na affidavits ay pawang base sa mga personal na pagdududa, takot at pagpapalagay at hindi base sa  kung ano ang resulta ng nasabing eleksyon.

Binigyang diin nito ang pahayag ng nagpoprotesta kung saan sinabing ,”It is only through the  manual counting and/or conducting recounting of the ballots by way of this protest that the automated election system will be tested if indeed it delivered a fraud free election.”

Ayon sa Comelec, ito ay nagpapakita lamang na maging ang nagpoprotesta ay hindi tiyak kung talagang may nangyaring dayaan, iregularidad at anomalya sa May 2022 National at Local Elections.

Bigo rin aniya ang kampo ni Sabili na  mapatunayan ang alegasyon nito na ang malawakang pagkasira ng  vote counting machines sa lahat ng barangay sa Lipa City ay nagbigay daan sa pandaraya sa eleksyon, iregularidad at anomalya.

Dahil dito ay ibinasura ng Comelec Second Division ang election protest ni Sabili at inirefer sa Comelec Law Department para sa tamang imbestigasyon ang alegasyon hinggil sa nangyaring umanoy dayaan, iregularidad at anomalya noong nakaraang halalan.

Matatandaang noong Mayo 20 ay naghain ng election protest si Sabili para hilingin ang  manual / administrative recount ng mga balota at iba pang dokumento ng eleksyon sa lahat ng 333 protested clustered precincts sa lungsod ng Lipa.

Hiniling din niyang matapos ang mga pagdinig ay ipawalambisa ang pagkapanalo ni Africa bilang mayor at ideklara si Sabili bilang nanalong alkalde ng Lipa pero hindi ito kinatigan ng Comelec.

Batay sa official Comelec results ay nagwagi si Africa bilang mayor ng lungsod ng Lipa sa botong 138,674 laban sa katunggaling si Sabili na may 45000 boto at Retired General Nestor Sanares na may 6,018 boto.

Ikinagalak naman ng kampo ni Africa ang pagkakadismiss ng election protest ng kanyang katunggali.

“Ito ay isang testamento na ang mandato ng mga tao ay hindi maaaring balewalain sa pamamagitan ng puwersa, kasinungalingan at/o masamang motibo. Ang kalooban ng mga manghahalal ay palaging magiging pinakadakilang sandata ng ating demokratikong estado,” ani Africa sa  inilabas na  pahayag sa  kanyang official FB page noong Hulyo 19.

“Sa katunayan, ang desisyon ng Comelec ay muling nagpatunay sa lumang Mantra – “Ang Katotohanan ay Mananaig.”

Wala pang pahayag ang kampo ni Sabili sa nasabing desisyon ng Comelec.

COMELEC VOTER’S REGISTRATION SA LUCENA CITY, DINAGSA

Ylou Dagos

Madaling araw pa lamang ay dagsa na ang mga kabatan na magpaparehistro para sa darating na Barangay at SK Election sa December sa isang mall sa Lucena City.

Ito ay matapos maglagay ng mga satellite registration office ang COMELEC sa mga malls dahil sa patuloy na pagdami ng mga gustong magparehistro.

Makikita na bagama’t madilim pa at sarado pa ang Pacific Mall sa Lucena City ay pila sa na parking lot nito ang mga botanteng karamihan ay mga kabataan.

Ayon kay John Michael Rodriguez , isa sa mga pumila, sa kagustuhan niya na makalahok sa darating na halalan ay nagsasakripisyo na siyang gumising ng maaga at makipagsiksikan sa pila.

Alas 4:00 pa ng madaling araw nang magtungo siya sa mall subalit marami na anya ang kanyang nadatnan doon.

Nagbubukas pa ang satellite office ng COMELEC ng alas 8:00 ng umaga.

Bukod sa mall, dagsa rin sa main office ng COMELEC Lucena ang mga nagpaparehistro kungsaan limitado lamang sa 300 ang naiitala ng mga ito sa isang araw.

MGA MAGPAPAREHISTRO SA BARANGAY AT SK ELECTION PATULOY ANG PAGDAGSA

Ylou Dagos

Bagama’t walang kasiguraduhan kung  matutuloy ang Barangay at Sk Election sa Disyembre dagsa pa rin ang mga magpaparehistro sa tanggapan ng Comelec sa Lucena City.

Sa ikaapat na araw mula ng ilarga ng COMELEC ang panibagong voter registration halos araw-araw ay ganito ang sitwasyon sa COMELEC Lucena Office.

Madaling araw pa lamang ay may nagsisimula ng pumila ang mga hindi pa rehistradong botante sa lungsod para mauna sa pagpaparehistro.

Siksikan at nagtitiyagang  naghihintay  sa pila ang mga ito na ang karamihan ay mga kabataan o mga 1st time voters.

Subalit ayon kay Lucena City Elections Officer Atty. Ana Mei Barbacena, 300 katao lamang ang kaya nilang i-accomodate sa isang araw.

Ito ay dahil na rin sa kakulangan nila sa manpower at maliit nilang  tanggapan.

Dalawa din lamang ang lugar na ginagamit para sa pagkuha ng biometrics at litrato ng nagpapatalang botante.

Ayon pa kay Barbacena, eighty percent  ng mga nagpaparehistro ay mga kabataan.

Ang hindi umabot sa limit ay pinauuwi na lamang at pinababalik kinabukasan subalit panibagong pila na naman dahil sa ang panuntunan at 1st come 1st serve basis.

Bukod pila sa mga tent bago makapasok  sa entrance, pipila pa uli ang  mga magpaparehistro sa bawat step at prosesong gagawin na nasa limang step bago makatapos at tumatagal ng halos 10 minuto bawat nagpaparehistro.

Aabot lamang ng 18 araw ang pagpapatala na nagsimula noong Lunes July 4 at magtatapos sa July 23.

Ang mga tanggapan ng Comelec ay bukas mula als 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado.

Kabilang sa mga tatanggaping aplikasyon ng Comelec Lucena ay ang mga sumusunod: new registration, transfer from other municipality and barangay, transfer of registration records from foreign post to local, change o correction of entries, at reactivation of records.

Para sa mga SK voters kinakailangan na nasa gulang na 15 to 30 years upon registration habang 18 years old and above naman para sa mga regular voters.

Sa kabila naman ng mga usap-usapan hinggil sa suspension ng local barangay at sk elections ay binigyang diin ni Barbacena na tuloy-tuloy ang kaniyang tanggapan sa mga kinakailangang preparasyon hinggil dito.

DILG PINAALALAHANAN ANG NEWLY ELECTED OFFICIALS NA MAG-FILE NG KANILANG SOCE

📷 DILG IV-A Facebook Page

Denise Abante

Pinaalalahanan ng Department of Interior and Local Government IV-A (DILG IV-A) ang mga newly elected officials na mag-file ng kanilang Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) bago o hanggang ika-walo ng Hunyo, taong kasalukuyan.

Ang sinumang Newly-Elected Official (NEO) ay hindi maaaring manumpa hangga’t hindi ito nakakapag-pasa ng kanyang SOCE na naglalaman ng cash at in-kind na kontribusyon na natanggap ng kandidato mula sa isang partidong pampulitika at iba pang mga mapagkukunan.

Kasama rin dito ang mga paggasta na binayaran mula sa mga personal na pondo, mula sa mga kontribusyong cash at mga in-kind na kontribusyon.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año, tungkulin ng mga NEO na ideklara ang kanilang mga SOCE bago magsimula ang kanilang termino bilang ang Republic Act (RA) No. 7166 o ang “Synchronized National and Local Elections and Electoral Reforms Act” ay nag-uutos na walang opisyal na papayagang umupo sa kanilang mga nahalal na posisyon nang hindi naghain ng kanilang SOCE sa COMELEC.

Nakasaad sa Section 14 ng RA 7166 na “Ang bawat kandidato at ingat-yaman ng partidong pampulitika ay dapat, sa loob ng 30 araw pagkatapos ng araw ng halalan, maghain ng doble sa mga tanggapan ng Komisyon ng buo, totoo at naka-itemize na pahayag ng lahat ng mga kontribusyon at paggasta sa koneksyon sa halalan. Walang taong nahalal sa alinmang pampublikong katungkulan ang dapat pumasok sa mga tungkulin ng kanyang katungkulan hanggang sa maihain niya ang pahayag ng mga kontribusyon at mga paggasta na kinakailangan.”

Ang parehong batas ay nagsasaad na: “ang hindi paghahain ng mga pahayag o mga ulat na may kaugnayan sa mga kontribusyon at paggasta sa elektoral na kinakailangan dito ay bubuo ng isang administratibong pagkakasala kung saan ang mga nagkasala ay mananagot na magbayad ng administratibong multa mula sa Isang libong piso (P1,000.00) hanggang tatlumpung libong piso (P30,000.00), sa pagpapasya ng komisyon.”

Hiling pa ni Secretary Año, “Sana po ay simulan ninyo ng tama ang inyong mga termino.  Comply with your legal obligation as enshrined in our Constitution.”

Aniya, sa ika-labing anim ng Hunyo, taong kasalukuyan, inaasahang isusumite ng COMELEC ang nasabing sertipikasyon sa DILG.

Samantala, sinabi ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan E. Malaya na ang paghahain ng mga SOCE ay hindi lamang limitado sa mga nanalong kandidato kundi pinalawig din sa mga hindi nanalo gayundin sa mga partidong politikal.

MAHIGIT 600 KILONG CAMPAIGN MATERIALS IRERECYCLE SA BATANGAS CITY

📷 Palakat Batanagas City

Gagawing kapaki-pakinabang ng mga kooperatiba at Rural Improvement Club (RIC) sa lungsod ng Batangas ang mga campaign material na ginamit ng mga kandidato noong nagdaang Eleksyon.

Umabot sa 658 kilo ng tarpaulin ang binaklas ng Batangas City General Services Department sa iba’t ibang barangay, ilang araw makalipas ang halalan.

Dinala ang mga ito sa Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) ipang iresiklo at pagkakitaan.

Ayon sa City Information Office, pangangasiwaan ng Home Extension Division ang pamamahagi ng mga naipong tarpaulin upang gawing eco-bag at iba pang gamit na maaaring mapakinabangan.

Ipinamahagi naman ang mga natitirang recyclable material sa iba’t ibang barangay kabilang na ang barangay San Pedro, Dumantay, Banaba East, SIBBAP, Tulo MPC, at OCVAS. (PIA)

658 NA KILO NG CAMPAIGN MATERIALS MULA SA OPERATION: BAKLAS, NI-RECYCLE

📷 PIO Batangas City

Ysabelle Anne Sibi

Makalipas ang 2022 elections, umabot sa 658 kilo ang tarpaulin ng mga kandidato na nakolekta at pinaplanong gawing eco bags ng mga kooperatiba at Rural Improvement Club (RIC).

📷 PIO Batangas City

Matapos magsagawa ang General Services Department (PSMU at GSM) ng Operation: Baklas sa mga barangay upang ipunin ang naiwang campaign materials, dinala ito ng apat na trak papunta sa Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) upang mai-recycle at mapagkakitaan.

Pinangasiwaan ng Home Extension Division ang nagaganap na pamamahagi ng mga nakuhang tarpaulin sa hangaring magamit itong materyales upang makagawa ng iba’t ibang kagamitan.

COMELEC INIIMBESTIGAHAN ANG ELECTION DOCUMENTS NA NATAGPUANG NAKATAMBAK SA ISANG BAKANTENG LOTE

📷 Rodne Rodiño Galicha

Rica Mae A. Magsino

Nagviral sa social media ang post ng isang netizen na si Rodne Rodiño Galicha tungkol sa nakatambak na election documents sa isang bakanteng lote sa Amadeo, Cavite.

“These were forwarded to me by a friend, was taken in a vacant lot sa Amadeo, Cavite. Eventually, allegedly F2 logistics truck picked these up that day, too. It looks like these are from Tondo. We’re verifying the exact date of the footage and photo,” sabi ni Galicha sa caption ng kanyang post.

📷 Batangas Capitol PIO

Ayon kay acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, naipahayag na sa Regional Election Directors ng Region 4-A, at ng National Capital Region (NCR) ang nasabing isyu. Naipaalam na rin ito sa Provincial Election Supervisor ng Cavite at sa Packing and Shipping Committee.

“The investigation is ongoing,” ani Laudiangco.

TINGNAN: MGA NANALONG KANDIDATO SA IBAT-IBANG POSISYON SA LALAWIGAN  QUEZON  PROKLAMADO NA

Allan Llaneta

Pornal nang naiproklama kahapon ng Comelec ang mga nanalong kandidato sa Quezon.

Kabilang sa mga naiproklama  bilang bagong gobernador si 4th district  Congresswoman Dra Helen Tan.

📷 Martin Banaag

Proklamado naman sa pagka-bise gobernador si Lucena City Vice Mayor Anacleto Third Alcala.

📷 Martin Banaag

Samantala, muli namang nanalo sa pagka-Kongresista  ng unang distrito ng Quezon si Cong Mark Enverga at si Quezon 2nd district Congressman David Jayjay Suarez.

📷 Martin Banaag

Sa bahagi ng 3rd district ng Quezon nanalo naman sa pagakakongresista si Bokal Reynan Arrogancia.

📷 Martin Banaag

Sa 4th district ng Quezon nanalo rin sa pagka-kongresista si Atty Milke Tan na anak ni Cong Helen Tan.

Bilang Board Member ng 1st district Quezon panalo sina Jerry Talaga at Julius Lucis.

📷 Martin Banaag

Sa 2nd district wagi rin sina bokal Yna Liwanag, Vinette Alcala at Atty. Bong Talabong.

Sa 3rd district naman ay sina Bokal Jet Suarez at Jayjay Aquivido.

Panalo naman sina Isaias Ubana, Derick Magbuhos at Wacky Butardo para sa 4th district.

COMELEC PROCLAIMS LADY PHYSICIAN AS QUEZON GOVERNOR

Commission on Election officials raise the hand of Rep. Helen Tan on her proclamation as governor-elect of Quezon province. (Photo from Helen Tan Facebook)

Sonny T. Mallari

LUCENA CITY — Quezon Rep. Helen Tan (NPC) made history on Wednesday afternoon when she became the first woman governor of the province after being officially proclaimed the winner in the gubernatorial contest in the May 9 elections.

The final election results from the Commission on Elections (Comelec) showed that Tan, a medical doctor, received 790,739 votes in the province’s two cities and 39 municipalities.

Tan, serving her last term as Congress representative of the province’s Fourth District, dealt a blow to the reelection bid of Gov. Danilo Suarez (Lakas-CMD), who only garnered 320,395 votes.

Suarez, who was gunning for his second term, is a veteran politician and once served as minority leader in Congress during his 18 years as a lawmaker.

He was elected as governor in 2019 after his son, David, ended his nine-year service as the provincial chief executive in 2010.

Quezon has a voting population of 1,424,023, but only 1,221,506 voters participated in the elections — a voter turnout of 85.77%.

Already assured of her victory, Tan posted a triumphant message on Tuesday morning: “Hindi ito ang aking pagwawagi. Ito ay tagumpay ng sambayanang Quezonian! Pagbati sa lahat, sama-sama tayo sa panibagong pag-asa!”

In another post, she said: “Simula ng bagong pag-asa! Congratulations mga kalalawigan! Nanalo kayo!”

Tan’s running mate, former Lucena City Councilor Anacleto Alcala III (NPC), was also officially proclaimed as the vice governor-elect.

Alcala listed 665,570 votes over his nearest rival and Suarez tandem, Betty Nantes, who only got 283,588 in the official count.

Suarez has expressed his congratulations to Tan and other election winners for their victory.

“Maluwag po sa aking kalooban na tanggapin ang naging resulta ng ating halalan. Natapos po ang ating kampanya nang may dangal at integridad,” Suarez said in a video message posted on the Facebook page of Quezon public information office on Wednesday afternoon.

He urged the provincial government employees to do their best under the new governor.

Suarez addressed his province-mates: “Maraming-maraming salamat din po sa pagkakataong ibinigay ninyo sa akin upang kayo ay mapaglingkuran.. Asahan po ninyo na ang Serbisyong Suarez ay mananatiling bukas para tumulong sa ating mga kababayan”.

The Comelec also proclaimed Helen’s son, Mike (NPC), as the incoming congressman to replace his mother. Mike clobbered his main rival, former board member Rhodora Tan (Lakas), a Suarez ally.

Former Board Member Reynante Arogancia (NPC) was also proclaimed as the elected Third District representative in Congress after beating his former political ally, Rep. Aleta Suarez, Danilo’s wife.

However, Suarez’s son, David, survived the clan’s election debacle after he again defeated former Agriculture Secretary Proceso Alcala in the congressional race in the Second District. Alcala, Anacleto’s uncle, also lost to David in the 2019 election.

Rep. Mark Enverga (NPC) from the First District successfully defended his post against his main rival Techie Dator (KBL).

With the ascension of Tan as the province chief executive, she is expected to consolidate her control in the political landscape of Quezon in future electoral battles.

Aside from her son, Mike, Arogancia and Enverga both look at Tan as their political leader. 

With the new governor, most local government officials in the province are also expected to make a beeline towards the provincial capitol to offer their allegiance to Tan in exchange for projects, programs and other political privileges.