KLASIPIKASYON NG SUPER TYPHOON BINAGO NG PAG-ASA

Satellite image of Bagyong 'Odette' as of 5:00 am, December 15, 2021. Photo from PAGASA
Satellite image of Bagyong ‘Odette’ as of 5:00 am, December 15, 2021. Photo from PAGASA

Lyka Manalo

Inanunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang kanilang pagrebisa sa klasipikasyon ng lakas ng bagyo para mapasailalim sa kategorya bilang isang Super Typhoon.

Ayon sa PAGASA, ang tropical cyclone na may taglay na pinakalamakas na hangin mula 185 kilometer per hour pataas ay classified na bilang super typhoon.

Sa dating klasipikasyon ang super typhoon ay may maximum sustained winds na lagpas sa 220 km/hr.

May pagbabago rin na inanunsiyo ang ahensiya hinggil  sa sukat ng lakas ng hangin ng  isang bagyo mula sa orihinal na 118 hanggang 220 km/hr—ngayon ay 118 hanggang 184 km/hr 

“The changes are based on the adoption of best practices from other [tropical cyclone] warning centers and regionally accepted operational standards, developments in objective guidance for [tropical cyclone] wind swaths, operational experiences and challenges encountered by typhoon forecasters, and feedback from end-users and stakeholders,” ayon sa inilabas na pahayag  ng PAGASA noong Miyerkules.

Ang tropical depression (maximum sustained winds na mababa sa 62 km/h), tropical storm (62 to 88 km/h), at severe tropical storm (89 to 117 km/h) ay walang nabago.

Unang nagkaroon ng kategoryang super typhoon category at Signal No. 5 noong taong 2015, mula sa epektong dulot ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda (Haiyan) noong 2013, kung saan maraming binawian ng buhay at nasirang bahay at imprastraktura.

Samantala, inanunsiyo rin ng PAGASA ang kanilang Modified Tropical Cyclone Wind Signal System.

Ang Tropical cyclone wind signals ay para magkaroon ng warning kung gaano kalakas ang hangin ang inaasahang bubugso sa isang partikular na lugar. 

Narito ang binagong talaan ng Signal Warning, lakas ng hangin at inaasahang epekto nito: