KAWATAN NG CELLPHONE, NATUNTON SA PAMAMAGITAN NG GPS TRACKER SA QUEZON

Ylou Dagos

Timbog ang dalawang umano ay notorious na kawatan matapos na matunton dahil sa GPS tracking ng kanilang mga ninakaw na cellphone sa Atimonan, Quezon.

Ayon sa report ng Atimonan police, Biyernes alauna ng madaling araw nang mapasok ng mga suspek ang isang bahay sa Brgy. Malinao Ibaba habang mahimbing na natutulog ang pamilyang nakatira doon.

Kasama sa natangay ng mga suspek ang 4 na unit ng celphone na naka charge sa salas ng bahay.

Subalit dahil sa Google tracking na naka-on sa mga nanakaw na cellphone, napag-alaman na nasa Tayabas City na ang mga nawawalang unit.

Kaagad bumuo ng tracker team ang Atimonan at Tayabas City police para maaresto ang dalawa na hindi na makapalag nang puntahan ng mga awtoridad sa eksaktong lugar nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa pulisya, kilalang magnanakaw ang mga ito sa Tayabas City kaya dumadayo na sa ibang bayan sakay ng motorsiklo upang makapamasok ng mga bahay.

Nabawi sa mga ito ang mga gamit na natangay kabilang ang mga cellphone.

Nasa kustodiya na ng Atimonan police ang dalawa at sasampahan ng kaukulang kaso.

SENIOR CITIZEN, PINAGNAKAWAN AT PINATAY SA QUEZON

Ylou Dagos

Pinasok at pinagnakawan at saka pinatay ng hindi nakilalang akyat-bahay  ang isang senior citizen na nadiskubreng naagnas na  sa loob ng kanyang tahanan sa   Brgy. Malusak Atimonan, Quezon noong Biyernes ng umaga.

Batay sa report ng Atimonan police, nasa early state of decomposition na ng makita ang bangkay ng 76-anyos na biktimang si  Venancio Erne Fajardo na nasa sahig ng kaniyang bahay at natatakpan ng foam pasado  alas 10:00 ng umaga.

Nadiskubre ito matapos magreklamo ang mga kapitbahay dahil sa masangsang na amoy na nanggagaling sa bahay nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakita ang mga bakas ng dugo sa sahig at nagkalat din ang mga kagamitan sa loob, indikasyon na hinalughog ang bahay nito.

Bukas din ang backdoor ng bahay at winasak ang steel grills nito.

Napag-alaman na mag-isang naninirahan sa kanyang bahay ang biktima.

Ayon sa mga kapitbahay, huli itong nakitang buhay noong Miyerkules pa ng gabi  habang nakikipanood ng television ang isa sa mga kapitbahay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya at isinailalim na rin sa pagsusuri ng PNP crime laboratory  ang biktima upang malaman ang ikinamatay nito.

3 COVID-19 PATIENTS DIE IN QUEZON

Sonny T. Mallari

LUCENA CITY – Three more COVID-19 patients in Quezon died on Monday, August 22, amid a decline in the number of active cases in the province.

The Integrated Provincial Health Office (IPHO) reported on Monday that the towns of Infanta and Atimonan and Tayabas City listed one fatality each.

The province had recorded 1,579 COVID-19 deaths since March 2020, 10 of them logged this month.

The IPHO also recorded that 86 patients had recovered from COVID-19, the highest single-day tally this month. At least 35 new infections were also listed.

From 275 active infections on August 7, it is now down to 186, as of the latest tally.

Eleven of the 41 municipalities in the province no longer have any recorded COVID-19 cases, the IPHO report showed.

The Department of Health placed Lucena, a highly urbanized city in Quezon, under alert level 1, the most lenient in the five-tier alert status, until August 31.

The rest of Quezon’s 40 localities will remain under alert level 2.

TEACHER NAKURYENTE SA EXTENSION WIRE  NA INILAGAY SA BANYO

Ylou Dagos

Nasawi ang isang 22-anyos na dalagang guro nang ito ay makuryente dahil sa extension wire na dinala nito sa banyo habang naliligo  sa kanilang bahay sa Barangay San Isidro, Atimonan, Quezon Biyernes ng hapon.

Wala ng buhay nang dumating sa ospital ang biktima dahil sa mga tinamong paso sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa report ng Atimonan police, dakong alas 3:00 ng hapon, katatapos lamang maligo ng biktima at nasa loob pa ng banyo nang bunutin nito ang pagkakasaksak ng kable ng ilaw sa extension. Nakita na lamang ng nakababatang kapatid nito na  bumagsak ang biktima.

Agad humingi ng saklolo ang kapatid at itinakbo ito sa ospital subalit binawian na ito ng buhay dahil sa mga tinamong 3rd degree burns.

BABAENG OFW, PATAY SA SALPOK NG UTILITY VAN

frontpage online news - Atimonan Quezon Map

Ylou Dagos

Dead on the spot ang isang babaeng nagbibiseklita matapos masalpok ng isang utility van sa Maharlika highway sa Atimonan, Quezon Miyerkules ng umaga.

Mga grabeng pinsala sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang agarang ikinasawi ng biktimang si Jennifer Domacian Galero, 41, isang balikbayang OFW, residente ng Barangay Buhangin.

Ayon sa report ng Atimonan police, ang biktima ay nasalpok ng Kia Single Cab Karga utility van na minamaneho ni Randy King, 32, taga Pasay City.

Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol sa manibela ang van at sinakop nito ang linya ng kasalubong kaya nasalpok nito ang bisikleta.

Matapos mabundol, nakaladkad pa nito ang biktima papunta sa shoulder ng kabilang linya, naging dahilan ng biglaang pagkasawi nito.

Naaaresto naman ng mga pulis ang driver ng van na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.